Chuchay VS 4 ABS CBN Loveteams
February 1, 2007 by cd
Pagkatapos mag-resign sa Eat Bulaga, isang malaking hamon ang kinakaharap ni Glady’s Guevarra at ito ay ang pakikipagtuos niya sa 4 na bigating loveteams ng ABS CBN kung saan makakatapat ng kanyang bagong telenobelang “Magic Kamison” ang Your Song. Isang karangalan kay Gladys ang pagtiwalaan ng siyete na harapin sina Gerald Anderson & Kim Chiu, Heart Evangelista & John Prats, Sarah Geronimo & Carlo Aquino, at Judy Ann Santos & Ryan Agoncillo sa episodes ng Your Song. Kayanin kaya niya ang hamong ito?
Will Magic Kamison be GMA 7′s revenge sa pagkakabagsak ng 12-season old nilang Love to Love? Pero pinaghandaan din ng ABS CBN ang premiere ng Magic Kamison sa linggo dahil alam nilang malakas ang “magic” ni Chuchay (Glady’s Guevarra) na may offer din ngayon na sitcom from RPN 9, hosting job for a lifestyle show from QTV 11 at comedy movie from Regal na ididirek ni Joel Lamangan.
Go Gladys! Go Chuchay!




Comments