The Mart Escudero CR Scandal
ANO ANG MGA IMPLIKASYON SA PANGYAYARING ITO?
I was surprised na HINDI man lamang nabanggit ang insidenteng ito last Thursday episode kung saan nagbigay ng final statements ang 3 council members lalong-lalo na si Direk Louie Ignacio. Bakit hindi gumana ang ATTITUDE BOX niya samantalang ang pangyayaring ito ay masasabi natin na pinaka-malala sa lahat ng mga nailagay sa attitude box from 4 seasons combined.
I was also surprised na HINDI disqualification ang ipinataw nilang parusa samantalang mas malala pa ito sa Ronnie Liang incident last year sa Pinoy Pop Superstar kung saan disqualified si Ronnie for not telling the truth about having an existing contract.
Maaaring hindi na lang itinuloy ang disqualification dahil kapos na sa panahon at malaking abala ito kung maglalagay ng bagong survivor na ipapalit kay Mart dahil 7 days na lang before the grand finals. O baka naman natatakot sila na baka kunin ng ABS CBN si Mart? (Haka-haka ko lang po ito)
For sure, Mart is out of the running. Aljur and Prince’s fans have all the right to celebrate as early as NOW because i have this gut-feel na both of them are already assured of a title, either Ultimate Hunk or Ultimate Loveteam. Technicality na lang ang awarding. Kung in case na manalo si Mart as Ultimate Hunk or Ultimate Loveteam with a partner, mas lalong hindi maganda ang magiging implikasyon nito.
ANO ANG MASASABI KO SA PANGYAYARING ITO?
I am really disappointed. First time ko pa naman na-“starstruck” but now the admiration i have for Mart was gone. Nada. Zero. Blank.
I believe na tao lamang tayo at walang perpekto maski isa sa atin at ang lahat ay nagkakamali. I also believe na tama ang ginawa ni Mart sa pag-amin sa kanyang pagkakamali. Subalit sa kabila ng pag-amin niya, hindi na maibabalik ang dating paghanga ng mga tao sa kanya. THE DAMAGE HAS BEEN DONE. And GMA saved the best damaging moments sa mga artista ng Starstruck (na ilang buwan na rin nilang nabuild-up) for its last episode.
It’s not GMA’s fault. But it could be ABS CBN’s gain if they disqualified Mart (remember Ronnie Liang?). But then again, lose-lose situation ito sa GMA. The reality side of Starstruck has taken it’s toll. Pero artista search din ito at the same time kung saan GMA spent time and money building future Kapuso stars. Dahil sa “scandalous” and “ratings-friendly” episodes na ipinalabas nila, naisip ba nila ang magiging epekto nito sa next generation of stars nila? Ang inaasam nilang ipantatapat kina Sam Milby at Gerald Anderson ay lalong naging “pangarap” na lang. Aljur or Mart could be the next big thing but after the episodes this week, do you think magiging BIG stars pa sila of 2007?
Last Sunday, pinahanga rin ako ni Rich Asuncion sa naging final statement niya. But after watching how Kris and she assasinated Jewel’s character on national tv, nawalan na ako ng gana. As for Jewel, honestly, bumaba ang pagtingin ko sa kanya after learning all the dirt na ibinato sa kanya nina Rich and Kris. Nawala rin ang bilib ko kay Kris Bernal sa mga sinabi niya against Jewel. Ano ang implikasyon nito? They are biting each other just to win the money?! My point is, GMA na rin ang dahilan ng pagkawala ng “kinang” ng mga future stars nila. They should decide kung ano ba talaga ang Starstruck, a reality show OR a star search? If both, then there are disadvantages.
On the other hand, ganito naman talaga kadumi sa showbiz. Looking at the bright side, at least alam na ng mga survivors sa susunod kung ano ang maidudulot na mabuti o masama ng kahit anong ikikilos nila sa harap o likod ng camera. But on the negative side, they’ve just lost one Starstruck fan (one lang naman hehehe).
Go Mickey! Go Wendy! Go Zeke! Go Saicy!
99797 649663Dude. You mind if I link to this post from my own site? This is just too awesome. 257115
379174 64436It is truly a nice and beneficial piece of information. Im glad that you just shared this useful info with us. Please maintain us informed like this. Thanks for sharing. 841536