Miriam Quiambao Naka-Relate kay Miss USA
May 30, 2007 by cd

Naka-relate si Miriam Quiambao, 1st Runner up sa Miss Universe pageant noong 1999, sa nangyari kay Miss USA kung saan nadulas ang huli sa Evening Gown competition sa live telecast ng Miss Universe pageant kahapon while more than 1 billion people are watching in their homes around the world.
Mas masuwerte nga lang si Miriam dahil sa preliminary competition siya nadulas at hindi sa pageant proper kung saan live na nanonood ang buong mundo. At nakita naman natin kung paano binawi ni Miriam ang pagkakadulas niya sa final competition kung saan ipinamalas niya ang husay niya sa pagrampa sa evening gown at swimsuit competition sa live telecast ng Miss Universe noong 1999.




Comments