Top

    Blog List


    Categories


    Archive


100 Sexiest Men in the Philippines


Joey Marquez Guilty of Graft and Corruption – Sandiganbayan

August 31, 2007 by  

Hinatulan ng Sandiganbayan ang dating mayor ng Parañaque na si Joey Marquez na guilty sa kasong graft na isinampa laban sa kanya. Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa pagbili ng mga walis tingting noong 1996 hanggang 1998.


Ang nasabing mga walis tingting ay nagkakahalaga diumano ng P2.9 milyon, overpriced ng P462,708.00 ayon sa Commision on Audit.

Ang nagsampa ng reklamo ay sina Director Cornelio Somido at prosecutor Karen Funelas ng Office of the Special Prosecutors dahil sa hindi pagkakaroon ng public bidding para sa nasabing deal.

Nagpiyansa si Joey Marquez at tatlo pang kasangkot sa kaso ng halagang P90,000.00 bawat isa at P150,00.00 cash bonds. Kinakailangan din nilang i-reimburse ang overpriced na halaga ng nasabing mga walis tingting.

Maaaring makulong si Marquez ng hanggang 50 taon dahil sa kasong ito.


Comments

Bottom