Joey de Leon Nasaktan sa Threat ni Laguardia
September 17, 2007 by cd
Nag-leave of absence si Joey de Leon sa programang Startalk dahil nasaktan ito sa threat ng MTRCB Chairman na si Consoliza Laguardia na isu-suspend ang top-rating showbiz talk show kapag pinagusapan muli ang tungkol sa naging bangayan nila ni Willie Revillame at Wilyonaryo controversy.
Last September 13 ay ipinatawag ni Laguardia ang mga representatives ng Startalk dahil hindi niya diumano nagustuhan ang patuloy na pagtalakay ng nasabing show sa hidwaang Joey-Willie at Wilyonaryo controversy.
Dahil dito, hindi nag-appear si Joey de Leon sa September 15 episode ng Startalk upang maiwasan na masuspinde ang nasabing programa. Nagpadala ng sulat si Joey sa kanyang mga kasamahan sa nasabing showbiz talk show na nagsasaad ng kanyang indefinite leave of absence.
Nagpahayag naman ng pagkalungkot ang tatlong co-hosts ni Joey na sina Butch Francisco, Lorna Tolentino at Lolit Solis at nagpahayag sila na masyadong marahas ang ginawang threat ni Laguardia at ito ay humahadlang sa kanilang “freedom of speech” at “freedom of expression.”
My Take:
In my opinion, the threat to suspend a tv program on ground that never violate the rules of MTRCB is unnecessary and uncalled for. Ang pagtalakay sa isang mainit na isyu na hindi naman lumalabag sa batas ng MTRCB kagaya ng pagmumura at pagbanggit ng mga maselang salita ay hindi nangangailangan ng isang “banta” o “warning for suspension”. Ang bagay na ito ay hindi na saklaw sa jurisdiction ng MTRCB at totoo ang sinabi ng mga hosts ng Startalk na pumipigil ito sa kanilang kalayaang magsalita at magpahayag ng kanilang opinyon.




Comments