‘Kapamilya Deal or No Deal’ Umatras sa ‘Whammy’ ng Siyete
September 27, 2007 by cd
Tila umiwas sa posibleng “collition” ang primetime game show ng ABS-CBN na Kapamilya Deal or No Deal as hosted by Kris Aquino sa bagong game show ng GMA na Whammy.
Inilagay ng dos ang Kapamilya Deal or No Deal sa mas maagang time slot kung kailan pa man din magkakaroon ng game show ang GMA sa primetime.
Ang Whammy ay nagmula rin sa Fremantle Media kasama sa package na binili ng siyete nang kinuha nila ang rights to air the second season of Philippine Idol. Ang posibleng maging host ng nasabing game show ay si Rufa Mae Quinto or Paolo Bediones.
Sa October 8 na magsisimula ang Whammy.
Samantala, dalawa pang game shows ang mapapanood sa siyete. Ang Send o Save nina Ariel at Maverick na itatapat sa top-rating noontime game show ng dos na Pilipinas Game KNB? Magsisimula ito sa October 15 replacing Takeshi’s Castle.
Sa October 20 naman ay ilulunsad ng siyete ang “Kakasa Ka Ba 5th Grader?“, ang Philippine version ng Are You Smarter than a 5th Grader na pagmamay-ari din ng Fremantle Media. Ito raw ang ipapalit sa Celebrity Duets na magtatapos sa October 13.




Comments