Top

    Blog List


    Categories


    Archive


100 Sexiest Men in the Philippines


Boy and Kris Ire-reformat Dahil Dinaig ng Sis sa TV Ratings

September 28, 2007 by  

Magkakaroon ng mga pagbabago sa morning show ng ABS-CBN na Boy and Kris dahil patuloy itong dinadaig ng katapat na morning show sa siyete na Sis.


As far as Boy Abunda is concerned, hindi naman daw reformat ang mangyayari kundi “mag-e-evolve” lang daw ang Boy and Kris and they are just finding new things to do.

And when asked by PEP kung ano ang reaksyon niya kapag sinasabi ng ibang tao na palagi na lang silang natatalo sa ratings ng katapat nilang show?

“Hindi ako defensive about it,” mabilis na sagot ni Tito Boy. “Kasi, hindi lang ikaw ang anak ng Diyos. Pag natatalo ka sa ratings, you look forward to the next show para maipanalo mo. Pag nananalo ka naman, you work even harder para ma-maintain mo, di ba?

“Pero no one I think can claim na, ‘Panalo ako habambuhay!’ Hindi. It makes you work harder. That’s the ball game.

“Pero ako, I don’t wanna deny na numbers are important. But I’m not consumed, I’m not obsessed by numbers. I am too secure in what I can do and what I cannot do to worry about numbers.

“I have been blessed too much to complain. At alam ko ang kaya kong gawin, alam ko ang hindi ko kayang gawin. Alam ko ang aking kahinaan, alam ko ang aking strengths, for me to worry about numbers. That’s why I think I’ve stayed in this business for so long,” bulalas pa ng premyadong TV host.

Ang isa pang dinahilan ni Boy Abunda sa pagkatalo nila sa ratings ay dahil hindi naman daw totally magkatapat ng oras ang Sis with Boy and Kris. Nauuna raw ang Boy and Kris ng 15 minutes bago magsimula ang Kris, so on the first 15 minutes ay cartoons ang kapatat nila.


Comments

Bottom