Breaking

Kristine Hermosa Made Faces While Marian Rivera’s Close-ups Were Being Shot

"You're nothing but a second great, trying hard copycat," isang gasgas na linya mula sa pelikula ni Sharon Cuneta na maaaring natutupad sa totoong buhay. Sa kasong ito, ipapasok natin sa eksena ang Prinsesa ng Banyera na si Kristine Hermosa at si Marimar na ginagampanan naman ni Marian Rivera.


October 2006, si Kristine Hermosa ang covergirl ng Cosmopolitan magazine. Ngayong October 2007, ang bagong star ng GMA 7 na si Marian Rivera naman ang covergirl ng nasabing magazine. At bukod sa Cosmo, nasa cover din ng Manual magazine si Marian.

Si Marian ay tinaguriang “next big star” ng siyete mula nang lumipat si Angel Locsin sa ABS-CBN. Nang makuha niya ang role na “Marimar”, overnight lang ay naging household name na si Marian Rivera. Dumagsa ang kanyang mga projects at ngayon ay may mga iniindurso na rin siyang produkto at may ginagawa rin siyang pelikula for Regal and GMA Films.

Magkasamang lumabas sa “Maxipeel” commercial sina Marian at Kristine (na una ninyong nakita dito sa Starmometer). And according to rumors, habang ginaganap ang close-ups ni Marian sa nasabing commercial ay nag-make faces daw si Kristine Hermosa.

Sa ginawang interview ng GMA:

Marian, who was trying to avoid the issue, explained, “Actually nag-uusap naman kami, okay naman. Pero hindi… Basta ayoko nang mag-comment. Siguro may iba na lang nakapansin o kaya nagsulat nun. Pero ako, ayoko na lang mag-comment. Pero nag-uusap naman kami.”

Napansin nyo ang “pero hindi” na sagot ni Marian na hindi na niya itinuloy dahil baka lumaki pa ang isyu? Kayo na lang ang bahalang magdugtong. (Pero hindi……..)

GMA News tried to get the side of Kristine but ABS-CBN declined to give a comment in behalf of the actress.

Leave a comment

Your email address will not be published.