Breaking

Ethel Booba Tuloy na Tuloy Na Sa PBB Celebrity Edition 2!

Sa episode ngayong gabi ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition season 2 ay may lumabas na marquee na nagsasaad tungkol sa "pagpasok ng pinaka-kontrobersyal na pasaway ng bayan" bukas.


At sino pa nga ba ang kontrobersyal at pasaway kundi ang komedyanteng si Ethel Booba.

Kahapon lamang ay umingay ang balitang nag-backout si Ethel dahil emotionally at psychologically unfit daw siya sa PBB at dinahilan ng aktres na baka raw siya magka-nervous breakdown kung malalayo siya ng mahigit dalawang buwan sa kanyan boyfriend na si Janver Daily.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay naglabas na ng pahayag ang Pinoy Entertainment Portal hinggil sa kanilang naka-iintrigang “reliable source” na nagkumpirma na nagbago raw ang isip ni Ethel Booba at handa na raw ang aktres na pumasok sa bahay ni Kuya. Kamakailan lamang ay nahulaan din ng PEP ang pangalan ng mga celebrity housemates na kasali sa Pinoy Big Brother at ito ay nagmula sa isang source na maaaring taga ABS-CBN.

Dinahilan diumano ni Ethel ang pag-ayos ng kanyang mga problema kung bakit nag-backout siya noong biyernes kung saan ay papasok na sana siya sa isang hotel. Ayaw daw ng aktres na may iniisip kapag nasa loob na siya ng bahay ni Kuya. Ngayong naayos na niya ang nasabing “problema” ay nagbago ang isip ni Ethel at binawi ang ginawang pag-babackout sa nasabing reality show.

Maraming naniniwala na malakas ang tsansa ni Ethel na manalo sa PBB Celebrity Edition dahil marami siyang similarities sa previous winner na si Keanna Reeves.

Leave a comment

Your email address will not be published.