Breaking

Marian Rivera’s Side on the Video Brouhaha

Marian Rivera aired her side regarding the sensational video on Youtube showing her angry and cursing a male fan and even slapping the guy.


The star of Dyesebel was able to explain the matter via Startalk and later on Showbiz Central. PEP was able to get the story straight from the horse’s mouth:

“Ganito yun,” simula niya. “Nasa set kami sa Subic. Alam ng lahat na bawal ang mag-video lalo na kung hindi pa umeere ang episode. Nakita ko siyang [yung lalake sa YouTube] kumukuha ng video at biniro ko ng ‘Kuya, nagbi-video kayo, bawal ‘yan.’ Ang sagot ba naman, ‘Bakit, ikaw ba ang bini-video ko?’ Pakialam ko raw. Pabalang ang sagot at nagulat ako, nagkasagutan kaming dalawa.

“Tinanong ko kung staff siya. Taga-processing daw siya. Nagulat ako, bakit ganun ang reaction niya sa akin. Kahit payat at maliit ako, hindi ako papayag apihin. Caviteña ako, lalaban ako! Walang nang-aapi sa akin!” lahad ni Marian.

Pinuna ni Mr. Marbeda sa ipinadala niyang email sa amin na sumisigaw si Marian sa video. Pati raw ang personal assistant (PA) at staff ng Dyesebel ay sinisigawan din ng young actress. May paliwanag din si Marian dito.

Aniya, “Alam n’yo, malakas talaga akong magsalita at hindi na bago sa staff yun. Wala akong sinisigawang PA, dahil that day na nagte-taping kami sa Subic, wala akong PA, nag-resign siya dahil buntis. Bago ang PA ko ngayon, two days pa lang sa akin at medyo may edad na ang kinuha ko para hindi magbuntis.”

Sinegundahan ng direktor ng Dyesebel na si Joyce Bernal ang mga sinabi ni Marian na wala kasamang PA o alalay ang young actress that fateful day, dahil buntis nga ang PA nito.

Itinanong din ng PEP kay Marian ang video ng nakasagutan niyang lalake na paulit-ulit na sinasampal, pero hindi nakita kung sino ang sumampal at kamay lang ng nanampal ang nakita. Pinapalabas na si Marian ang nanampal sa lalake.

“Wala akong sinampal, wala akong sinaktan,” mariing sabi ni Marian. “Ni hindi ko nga siya hinawakan, nagkasagutan lang kami. Inawat na kami ng staff. Dapat hinamon ko na lang siya ng suntukan!”

Feeling ba niya frame-up ang nangyari? Bakit may nag-video ng nangyari at bakit edited?

“Bahala na sila,” sabi niya. “Ang importante sa akin, hindi ako nag-power trip. Okey lang siraan at pintasan nila ako, tanggap ko lahat na kaparte ng trabaho ko ito. Dapat masanay na ako, dahil lahat na lang ng kilos ko… Tinatanong ko lang ang manager ko [Popoy Caritativo], kung bakit ayaw akong tantanan. Ganun din ang sinasabi niya, na bahagi ito ng showbiz at kailangan kong masanay.”

Ang hindi raw ipinakita sa video ay ang nangyari kinabukasan—ang pagbabalik ng lalake sa set at kinausap si Marian.

“The next day, bumalik siya, nagkaayos kami at nagkapaliwanagan kami. Alam ko sa sarili ko na ipinagtanggol ko lang ang sarili ko, dahil binastos ako. Mali ba ang ginawa ko?” tanong ni Marian sa PEP.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares