Breaking

Cristy Fermin Spills Dirt on Marian Rivera

In the latest blind item of showbiz writer Cristy Fermin, she talked about an actress whose success is allegedly going to her head. Is she pertaining to Marian Rivera?

With these clues: “Ang sarap-sarap niyang lunurin sa dagat, dapat siyang tampalin ng mga siyokoy at sirena, sa totoo lang” who else will come to mind? Read the article below and decide for yourself if the actress mentioned is Marian Rivera or someone else:

Kahit pala ang mga dating kasa-kasama ng isang young actress noon ay hindi na sumasama sa kanya ngayon. Kusa nang dumidistansiya ang mga taong yun dahil nakikita na nila kung paano naglulunoy sa isang basong tubig ang young actress, humiwalay na raw ang magkabila niyang paa sa lupa, inapuntahan na raw siya ng kayabangan.

Laging nagdedenay ang young actress tungkol sa mga kuwento ng kayabangan na ikinakabit sa kanya, gawa-gawa lang daw yun ng kampo ng kanyang mga kalaban, hanggang ngayon daw ay tulad pa rin siya ng dati.

Pero hindi ganun ang nakikita ng mga dati niyang nakakasama, talagang lumobo na ang kanyang ulo, maangas na raw talaga ngayon ang batang aktres na ito.

“Kahit naman hindi siya magsalita, malalaman mo na agad na maldita siya. Sa pagtingin-tingin pa lang niya, alam mo nang nagbago siya, ibang-iba na talaga siya ngayon.

“Kung dati, e, parati lang siyang nakayuko, sumobra naman ang confidence niya ngayon, talagang ang feeling niya, e, sikat na sikat na siya at ang galing-galing na niyang artista,” sabi ng aming source.

Nung minsan palang puntahan ng kanyang mga dating kaklase sa set ng kanyang tele-serye ang babaeng ito ay umiral na naman ang kanyang kamalditahan nung mag-alisan na ang mga dumalaw sa kanya.

Sabi raw ng young actress, “Anong reunion? Bakit, kaya ba nilang bayaran ang talent fee ko? Alam ba nila kung magkano ang TF ko sa bawat appearance ko?

“Appearance lang yun, ha? Wala pa akong gagawin nun, hi and hello lang yun sa mga fans! Sinabihan ko na sila, sobrang busy ako, sinabi ko rin sa kanila na pati ang pagtulog ko ngayon, by appointment na!” pagmamalaki pa ng young actress sa mga tao sa dressing room niya.

Sosyal! Ganun na ba talaga kabilib sa kanyang sarili ang young actress na ito? Pumasok na ba talaga sa utak niya ang mga naririnig niyang tili at palakpak ngayon?

“Ang sarap-sarap niyang lunurin sa dagat, dapat siyang tampalin ng mga siyokoy at sirena, sa totoo lang,” napapailing pang komento ng aming impormanteng tumiwalag na sa grupo ng young actress.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares