Breaking

Shake, Rattle and Roll X – Movie Trailer

Can Christmas be silent? Perhaps not this year as the 10th edition of the horror franchise "Shake Rattle and Roll" will make a screamfest out of Metro Manila Filmfest.

“Ito na ang pinakamalaki at ipinagmamalaki naming local horror film at gusto naming makasama lahat ng ‘SHAKE, RATTLE & ROLL’ audience for the past 10 years na suportahan ang SRR X — meaning, eXtreme, todo na talaga ito!,” sabi ng Regal executive producer na si Roselle Monteverde-Teo.

Tunay nga namang ang SHAKE, RATTLE & ROLL ang pinaka-successful na Metro Manila Film Festival franchise with its 10 years of top grossing box-office and award-winning tradition. This year, dalawang episodes ang ginawa ni Mike Tuviera (Emergency & Nieves) at isa naman ang obra ni Topel Lee (Class Picture).

Ito na talaga ang pinakamalaking ‘SHAKE, RATTLE & ROLL’ so far, dahil sa engrandeng cast led by Marian Rivera, Kim Chiu, Gerald Anderson, JC de Vera, Roxanne Guinoo, Mylene Dizon, Wendell Ramos, Jean Garcia, Iwa Moto, Jennica Garcia, John Lapus, Erich Gonzales, BJ Forbes, IC Mendoza, Janus del Prado at marami pang iba.

“Magandang magkakasama lahat ng Kapuso at Kapamilya tuwing Pasko through ‘Shake, Rattle and Roll’. I want everyone to be part of this rich horror tradition in Filipino films. We made SRR X truly special for all of you,” pahayag ni Mother Lily Monteverde, ang nagpasimuno ng SRR series.

Talaga namang hindi kumpleto ang Pasko at ang Metro Manila Filmfest kung walang “SHAKE, RATTLE & ROLL X” — opens December 25. Kasama ka dito!

• JC, IPINALIT NI ROXANNE KAY JAKE? Habang walang permanent love team partner and after her break up with Jake Cuenca, si JC de Vera na ba ang kapalit sa puso ni Roxanne Guinoo? Pansin ang kakaibang chemistry nina JC at Roxanne sa set ng “EMERGENCY” na siyang unang episode ng “SHAKE, RATTLE & ROLL X” ng Regal Films.

• AWARD WINNING ACTORS KASAMA NG TAMBALANG JC & ROXANNE Bongga sina JC de Vera at Roxanne Guinoo kasi none other than the Cinemalaya Best Actress Mylene Dizon and the Urian awardee Wendell Ramos ang kasama nila sa pelikula — at ang papel na ginagampanan nila? Mga vampire!

WENDELL: Challenging ang roles namin dito ni Mylene. Kakaiba at tiyak magugustuhan niyo ito!

MYLENE: Maganda ang rapport na dalawa sa screen.Parang nakahanap si Roxanne ng shoulder to cry on kay JC.

Maganda ang naging samahan ng cast ng “Emergency” at sa set mismo nalaman na nagdadalang tao si Mylene palagi itong naghahanap ng pagkaing maasim.

(Regal Films Press Release)

Video Link: Shake, Rattle and Roll X – Movie Trailer

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares