Breaking

Robin Padilla Greets Bebe Gandanghari on Wowowee

After the g-word was tackled on Showtime, Robin Padilla remembered his "ate" Bebe Gandanghari and greeted him on Wowowee.

Kumpirmadong tanggap talaga ni Wowowee special host Robin Padilla ang kapatid niyang si Bebe Gandanghari!

Sa “Willie of Fortune” segment ng Wowowee, kung saan tampok ang mga sumali sa Bikini Open competitions, naka-relate si Binoe sa istorya ng isang contestant na may kapatid na bading.

Nang pansinin ni Pokwang ang pananahimik ni Robin habang ini-interview ang kuya ng contenstant, paliwanag ni Binoe, “Nananahimik ako kasi alam mo namang meron din akong kuya na naging ate.”

Sa gitna ng programa, binati ni Robin ang kapatid, “Gusto ko lang hong batiin si Bebe! I love you tol! Kung nasaan ka mang lumalop, I love you!”

Dagdag pang hirit ni Robin kay Pokwang na tinawag si Bebe nang Tom, “Wag mong tatawaging Tom! Pumanaw na si Rustom. Iba na ngayon, may bagong panganak, si Bebe.”

Patuloy na tutukan si idol Binoe, sa tunay na programa ng bawat Pilipino sa buong mundo, Wowowee, tuwing tanghali, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares