Breaking

Maja and Sam, Secretly In Love?

Their friendship is now bordering to what we call "the next level."

Nag-init ang hapon ng mga Kapamilya viewers sa pinakaaabangang love scene nina Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador sa hit romantic-comedy-drama series nilang Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor. Sa eksena, mistulang tunay na mag-asawa ang dalawa sa pagka-natural ng kanilang arte at galaw.

Kung sa istorya ay tuluyan nang na-in love ang kani-kanilang karakter sa isa’t isa, sa totoong buhay, hindi naman mamatay-matay ang mga tsismis na nagpapatunay sa kakaibang closeness nina Sam at Maja.

Kamakailan ay napabalita ang pagsama ng pakiramdam ni Sam sa set ng Impostor. At nang mangyari ito, si Maja agad ang unang nasa tabi ng binata at siya mismong nag-asikaso dito.

Kwento ni Maja, “Nung nangyari ‘yun, may konting panic involved. Kasi naman si Sam minsan hindi kumakain. Tapos that time, malamig ‘yung weather. Ayun kaya siguro medyo nahilo. Inalalayan ko lang si Sam para makapag-rest.”

Na-appreciate naman ni Sam ang concern ni Maja, “I know Maja was worried. Inalagaan niya ako when she saw me feeling weird.”

Kapwa sila aminado na dahil sa ilang buwan nang pagsasama sa PHR presents Impostor, malalim na ang narating ng kanilang pagkakaibigan.

“Dati, we don’t talk much. When we do, usually hi and hello lang. Because of Impostor, mas nakilala ko siya nang husto. I found out na masarap pala siyang katrabaho. We really get along very well, and I think we have good chemistry. Lagi na kaming nagkakasama. We see each other even outside of work,” pahayag ni Sam.

Updated din si Maja maging sa mga bagong pasttime ng ka-loveteam. “May bagong pinagkakaabalahan ngayon si Sam. Super happy at super excited lagi sa motocross. Ginagawa niya ‘yun every Sunday. Actually, next Sunday, ini-invite niya ako na manood daw.”

Nang tanungin kung ano ang pinagkakasunduan nila, nai-share ni Maja na pareho sila ng hilig. “Pareho kaming mahilig kumain. ‘Yun ‘yung pinaka-bonding time naming mula noong nagkakilala kami hanggang ngayon sa Impostor.”

Sa tagal na nilang magkasama sa Impostor at sa role nila bilang mag-asawa, hindi naitanggi nina Sam at Maja na hindi mahirap ang na mahulog sila sa isa’t isa ngunit pareho rin silang nagkasundo sa pagsasabing mas mahalaga sa kanila ngayon ang kanilang friendship.

“Hindi mahirap ma-in love kay Sam. Malambing kasi siya, very responsible. Kung hindi mo pipigilan ang sarili mo, mai-inlove ka nang bongga sa kanya. Pero ako, hindi ko naman pinigil. Mas pinili ko lang ang friendship. Ang ganda kasi ng friendship namin at ayoko sirain,” ani Maja.

Kung lalong nagkakalapit sina Sam at Maja, nagkalayo naman ang mga karakter nila sa PHR presents Impostor. Para matapos na ang mga kasinungalingan, nagdesisyon si Devin (Maja) na lumayas na mula sa tahanan nila ni Anthony (Sam). Binalikan ni Devin ang kanyang buhay, sa pamamagitan ng pagpapakilala ng kanyang tunay na pagkatao sa kanyang bestfriend na si Popoy (Jason Francisco).

Sa pagbabalik ni Devin sa dati niyang buhay, mahaharap na kaya nila ni Anthony ang sakit na hatid ng katotohanan?

Kasama rin sa PHR presents Impostor sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Precious Lara Quigaman, Jon Avila, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio, Menggie Cobarubias at Izzy Canillo.

Huwag palampasin ang bagong mukha ng pag-ibig sa PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:45pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares