Breaking

ABS-CBN Refutes Willie Revillame’s Statements Against the Network

Mr. Bong R. Osorio, Head of ABS-CBN Corporate Communications, released a statement regarding Willie Revillame's latest claims against the Kapamilya network.

Here is the press statement on Willie Revillame which was sent by ABS-CBN to Starmometer minutes ago:

Walang naging kasunduan ang management ng ABS-CBN at si Willie Revillame hinggil sa pagbabalik niya sa Wowowee noong July 31.

Ang suspensiyon ni Willie ay matatapos sa August 24 pa. Si Willie ang may intensiyong bumalik sa Wowowee noong July 31.

Ang totoo, wala pang desisyon ang management bilang pagbibigay halaga sa damdamin ng mga manonood na ang iba ay tutol sa kanyang pagbabalik sa telebisyon dala ng inasal niya noong May 4 at iba pang mga naunang pangyayari.

Isang patunay na hindi pa siya nagbabago ng ugali ay ang paglalahad niya ng mga kondisyon sa kanyang pagbabalik.

Pinapatanggal niya sina Mariel Rodriguez at Pokwang sa programa at dapat din daw siyang suwelduhan habang siya ay suspendido.

Naniniwala ang management ng ABS-CBN na dapat isabuhay muna ni Willie ang mga pinahahalagahang values at work ethics ng kumpanya bago s’ya bumalik sa telebisyon.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares