Breaking

Maja’s 2 Characters Face-Off in ‘Impostor’

The character of Sam Milby will be torn between the two characters of Maja Salvador in "Impostor."

Wala nang bumibitiw sa mga sunod-sunod na pasabog sa hit afternoon romantic-comedy-drama series nina Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador na Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor. At ngayong linggo, isang tagpo ang tiyak na tututukan ng lahat—ang pagbabalik ng tunay na Mariz at ang paghaharap ng dalawang mukha ni Maja!

Sa isang exclusive interview sa young actress, naikwento nito ang excitement sa magaganap na ‘face-off’ ng dalawa niyang karakter sa Impostor. “Nung nalaman kong babalik si Mariz sa kuwento, sobrang na-excite na ako. Pinaghandaan ko nang sobra ang pagbabalik niya. ‘Yung mga lines ni Mariz pinag hahahandaan ko. Nag-English class ako, para magkaroon ng pagkakaiba sa pananalita sina ni Devin. Para instantly, alam ng viewers kung sino ‘yung mas class magsalita at sino ‘yung barubal.”

Ayon kay Maja, big challenge para sa kanya ang Impostor dahil sa pagganap niya sa dalawang magkaibang pagkatao. “Yung sabay na Mariz at Devin, nakakabaliw. Nung ginagawa ko ‘yun, kailangan ko talagang mag-concentrate in a major way. Saglit lang kasi nakita noon si Mariz, kaya hindi pa nakakapit ang tao sa storya niya. Si Devin naman, mahal na ng tao. At gusto ko rin mahalin din ng tao si Mariz.”

Dagdag pa ng Drama Sweetheart, “Gusto kong maintindihan nila si Mariz tulad ng pag-intindi nila kay Devin. Gusto kong maiarte siya kung bakit ganon ‘yung character niya na hindi naman sobrang masama at may mabuting puso din.”

Sa init ng pagtanggap ng mga manonood, walang dudang nagbunga naman ang mga pagsisipag ni Maja. Sa katunayan, sa recent US trip niya, nagulat si Maja sa response ng mga kababayang nakausap niya na pumuri sa kanyang pagganap sa Impostor. “Grabe ‘yung mga tao sa States! Kahit na once a week lang nila napapanood ang Impostor, grabeng ganda ng feedback. Nakakatuwa kasi kahit nandun sila sa ibang bansa, naa-appreciate nila ang show natin. Minsan nga, hindi na nila ako tinatawag sa totoong pangalan ko, ang tawag ng ibang kapamilya natin sa akin ay Mariz, minsan naman Devin. Nakakatuwa din kasi may mga naghahanap pa sa akin kay Anthony.”

Mapa-TFC viewers man o dito sa Pilipinas, tiyak na lalong kakapit ang lahat sa napipintong pagtatagpo nina Mariz at Devin. Ano ang gagawin ni Anthony (Sam) kung matuklasan niyang buhay pala ang asawa? At sa pagbabalik ni Mariz sa buhay ng kanyang pamilya, isusuko ba ni Devin ang pagmamahal niya kay Anthony? Paano tatanggapin ni Mariz ang bagong buhay ng kanyang asawa kasama si Devin na suot ang kanyang mukha? Gagawa ba siya ng paraan para mabawi ang dating kanya? Kakayanin ba niya ang paghaharap nila ni Devin?

Ngunit nang si Maja ang tanungin kung ipaglalaban ba niya o ipabuubaya ang mahal niyang may mahal nang iba, isang malamang sagot ang ibinigay niya. “Pang Maja ang tanong ha! Palaban akong tao, pero pagdating sa sitwasyon na ‘yung mahal ko ay nasa iba na o sa pagbalik ko ay may may-ari nang iba at nakita kong masaya naman sila, iniisip ko na baka mas magiging masaya siya ngayon kasama ‘yung bago. Mas nagpapaubaya ako.”

Sa direksyon ni Jerome Pobocan, kasama rin sa PHR presents Impostor sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Precious Lara Quigaman, Jon Avila, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio, Menggie Cobarubias at Izzy Canillo.

Huwag palampasin ang bagong mukha ng pag-ibig sa PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:45pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

1 Comment on Maja’s 2 Characters Face-Off in ‘Impostor’

  1. ang cute po tlga at ang gnda ng IMPOSTOR

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares