Breaking

Mariel Rodriguez Files for Indefinite Leave, Denies Pregnancy Rumors

Bianca Gonzalez was able to interview Mariel Rodriguez on E-Live yesterday to clear the issue regarding the Pilipinas, Win na Win! co-host's filing of indefinite leave and pregnancy rumor.

Here’s a report by our very own Echoserong Prinsipe:

Bago pala umalis ng bansa si Mariel Rodriguez ay na-interview siya ni Bianca Gonzalez sa E-Live.

Earlier this week pa ang nasabing interview subalit ngayong sabado lamang ito ipinalabas sa E-live. Ikinagulat kasi ng lahat ang pag-file ni Mariel ng “Indefinite Leave” sa kanyang mga programang Pilipinas, Win na Win! at E-Live at biglaang pag-alis ng bansa.

Sa segment na may pamagat na “The Robin-Mariel Diaries”, sinabi ni Mariel na matagal na siyang humiling ng bakasyon. Two weeks ang hiniling ni Mariel bilang birthday leave niya at noon pa niya ito hinihingi, kapanahunan pa ng Wowowee, ang sabi niya.

Subalit sa halip na bakasyon ay “indefinite leave” ang ginawa ni Mariel. Ibig sabihin ay maaaring magtagal siya sa ibang bansa at maaaring hindi na siya makabalik sa kanyang mga programa sa ABS-CBN.

Itinanggi ni Mariel na ang pag-alis niya ng bansa ay dahil buntis siya at ipapalaglag niya ang bata sa ibang bansa. Ito kasi ang kumakalat na tsismis dahil sinorpresa ni Mariel ang lahat sa pangyayaring ito.

Isa lamang ang inamin ni Mariel tungkol sa kanyang pag-alis at ito ay upang sumunod sa kanyang lover na si Robin Padilla na nauna nang nagpunta sa India.

Watch the full interview here:

1 Comment on Mariel Rodriguez Files for Indefinite Leave, Denies Pregnancy Rumors

  1. you know what Mariel, kaloka ka wala kng talent in hosting , talent b yung sigaw ng sigaw magaling p sau s Valerie Concepcion, kinalaban mo c toni e yun talagang talented yun,, even c Kc concepcion ok k lang.. insecure!!

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares