Breaking

Viewers Start to Warm with ‘Pilipinas Win Na Win’

"Pilipinas Win na Win" beats rival show last Saturday.

Wala na ngang makapipigil sa tuloy-tuloy na buhos ng kasiyahan at papremyong dala ng Pilipinas Win na Win. Ito ay nagkaroon ng dalawang milyonaryo sa magkasunod na linggo kaya naman patuloy itong namamayagpag.

Araw-araw, pagpatak ng alas-dos ng hapon, nakatutok na ang buong sambayanan sa mga sorporesang hatid ng Kapamilya game variety noontime show na alay sa bawat indibidwal, pamilya at barangay sa buong mundo. At patunay dito ang pinakahuling resulta ng TNS/Kantar Media nationwide ratings kung saan namayagpag ang Pilipinas Win na Win sa ratings noong Sabado.

Bukod sa main hosts nito, mainit rin ang pagtanggap ng mga viewers sa mga segment ng show na puno ng kwento ng totoong buhay, excitement, at katatawanan. Dagdag-saya rin sa Pilipinas Win na Win ang regular guest hosts nilang sina Jason Gainza, Chokoleit at Pooh na hindi matatawaran ang galing sa pagbibigay saya tuwing hapon.

Sa isang exclusive interview kay Pokwang, labis na pasasalamat ang ipinaaabot niya sa mga sumusuporta sa Pilipinas Win na Win. “Iba ‘yung pakiramdam na nagbibigay ka ng saya sa mga tao. Lahat ng pumuounta sa studio nagpapakahirap pumila kaya tini-treasure namin ‘yung moment na kasama namin sila. Kailangan ma-enjoy nila ‘yung programa and at the same time dapat maramdaman nila na may pag-asa pa.”

Sa gumagandang takbo ng ratings ng show, masayang ibinalita ni Pokwang na mas marami pang ikasisiya ang publiko sa Pilipinas Win na Win. “Patuloy po kaming magbibigay ng saya at pag-asa sa bawat Pilipinong sumusubaybay sa amin. Mas pagagandahin pa namin ang show para mas maraming ngingiti tuwing hapon.”

Nang tanungin naman ang mga komedyanteng sina Jayson, Chokoleit at Pooh kaugnay ng hit segment na “Yaman ng Bayan,” naniniwala ang tatlo na hit ito sa masa dahil nagagawa nitong nakakatuwa ang mga ordinaryong sitwasyon sa buhay ng ordinaryong tao.

“Kasi sa ’Yaman ng Bayan’ involved hindi lang kaming mga artista pati ’yung mga contestant at audience nakaka-relate kasi nga nangyayari din sa totoong buhay Hindi lang kami umaarte para magpatawa. Umaarte din kami para mailabas kung anong galing meron ’yung contestant,” sambit ni Jayson.

Para naman kay Pooh, nagki-click ang segment dahil kahit papaano naiibsan ang kalungkutan ng manonood kumpara sa panoood ng mga teleserye. “Siguro sobrang dami ng problema ng mga tao kaya ayaw na nila ng sobrang malungkot na show. Nagiging paulit-ulit na lang kasi ‘yung mga malulungkot na tema. So ang ginawa namin, ‘yung skits puro saya at katatawanan.”

Batid naman ni Chokoleit ang halaga ng pagiging bahagi ng show. “Sa hirap ng buhay ngayon, bukod sa materyal na bagay, malaking bahagi rin ‘yung napapatawa mo ‘yung tao. At sa Pilipinas Win na Win, nabubuksan ang pinto ng bagong simula para sa kanilang mga pangarap, at laking saya kong bahagi ako ng show. Actually, panalong-panalo talaga ang sunod-sunod na magagandang programa ng ABS-CBN lalong-lalo na sa hapon. Kung kalian inaantok na ang mga tao, gigisingin namin kayo dito sa Pilipinas Win na Win!”

Abangan din araw-araw ang mga exciting games tulad ng Perfect Combination, Ayu-Sing Mo Na, Yaman ng Bayan at Open-Susi-Me.

“Kayo ang boss namin,” ika nga ng Pilipinas Win na Win kaya tutok na’t makisaya dahil ikaw ang bida Lunes hanggang Sabado, 2pm, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares