Breaking

Aga Muhlach Shares ‘Sweet Moments’ with Megan Young on M3

Tomorrow on "Malay Mo Ma-develop", will JM (Aga Muhlach) and Bea (Megan Young) return to each other's arms?

May bago na namang babae si Aga at ito ay ang Kapamilya young star na si Megan Young! Huling-huli ang dalawa sa isang restaurant na sweet na sweet at nagyayakapan pa…pero bilang sina JM Benicio III (Aga) at Bea Cornejo (Megan) ng weekly romantic-comedy-drama series na “Malay Mo Ma-develop” o M3.

Sa isang exclusive interview kay Megan, naikuwento niyang enjoy na enjoy siyang maging bahagi ng show. Dahil sa M3, na-discover din niya kung gaano kabait ang boyfriend niya sa istorya na si Aga. “Aga is very approachable. Being Aga Muhlach who’s ‘up there’ already, he is so kind even to someone who’s new in the industry like me. It’s very surprising and much appreciated.”

Nang tanungin si Megan kung magugustuhan niya si Aga kung sakaling binata pa ito ngayon, diretso ang sagot ng dalaga, “Oo, why not. I mean he’s ‘Aga Muhlach’ and sa pagsasama namin sa trabaho, makikita mo ‘yung magagandang ugali niya. He’s a real gentleman and I can see that he is a loving husband and he’s very responsible Yes, if he’s single, he has the quality of a guy I’ll be dating.”

Ayon kay Megan, kahit may asawa na si Aga, hindi naman daw nababawasan ang pogi points nito. “Hindi naman nababawasan ‘yung pogi points. We have to respect the fact that he’s married and we have to be happy for them. Ms. Charlene is a very lucky girl and I’m sure he is a lucky guy also with her.”

Alamin ang tunay na kwento sa mga ‘sweet moments’ nina Aga at Megan sa M3. Magkakabalikan na nga ba sila JM at Bea? O mas pipiliin pa rin ng dalaga si Ted (Tom Rodriguez)? Ano ang gagawin ni Kring-Kring (AiAi delas Alas) kapag malaman niyang heartbroken si JM?

Sa ilalim ng direksyon ng award-winning na direktor na si Jeffrey Jeturian, kasama rin sa M3 sina Jojo Alejar, Niña Jose, Jairus Aquino, at Noel Trinidad.

Abangan at huwag palampasin ang “Malay Mo Ma-develop” o M3, ngayong sa Primetime Sabado 10:15pm, pagkatapos ng Twist and Shout sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.