Breaking

Megan Young Wants to Play the Role of a Drug Addict

Megan Young's dream role is to portray a drug addict.

May ilan taon na rin ang nakalipas simula nang unang mamayagpag sa showbiz si Megan Young. Mula noon, iba’t ibang roles na kanyang ginampanan sa TV o pelikula man. Ganumpaman, inilahad ni Megan na may mga roles pa na kanyang pinapangarap, ang hindi pa niya nakukuha.

“It’s funny but I wanna be a drug addict. Feeling ko it would be a challenge for me if yung character may certain addiction. Kasi ‘yun yung common na makikita natin. It’s really challenging to be attached to a thing with such a big intensity. That’s something you have to feel. I don’t know if I can, but it’s my dream role,” ani Megan.

Likas na malikhain at passionate sa industriyang kanyang kinabibilangan, si Megan ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Digital Filmmaking sa De La Salle-College of St. Benilde sa Maynila. Ayon sa aktres, maliban sa pagiging sentro ng maningning na limelight, nais pa niyang palawigin ang kanyang nalalaman sa paggawa ng mga pelikula’t palabas sa TV.

“It’s something I have always wanted since high school pa. Hindi man yung digital film making, I’ve always wanted to be the person behind the camera. It just so happened na napunta ako sa harap ng camera. But it’s a good thing for me actually. At least, I know both sides of the story. I know how the people and the staff feel when they are working. If ever I’m gonna be behind the camera, I have this certain understanding of the people I’ll work with,” sabi ni Megan.

Nang tanungin kung nais din niyang mag-direk balang araw, mabilis ang kanyang naging sagot. “Hopefully, I will get there. But right now, I’m just focusing on learning more about my field. They always say you learn more through experience.”

Samantala, sa M3 ngayong Sabado, magugunaw ang mundo ni Bea (Megan Young) matapos malaman ang tungkol sa mga sex photos and videos nina JM (Aga Muhlach) at Megs (Niña Jose). Ganumpanan, hindi titigil si JM na makuha ang kapatawaran ng babaeng minamahal. Tuluyan na kayang masira ang napipintong plano nina JM at Bea na magpakasal?

Kasama rin sina Jojo Alejar, Jairus Aquino, at Ms. Aiai delas Alas ang M3 ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Jeffrey Jeturian at Direk Frasco Mortiz.

Abangan at huwag palampasin ang Malay Mo Ma-develop o M3, Primetime Sabado, 9:45 pm, pagkatapos ng Twist and Shout sa ABS-CBN.

3 Comments on Megan Young Wants to Play the Role of a Drug Addict

  1. Here are the TV ratings last October 18, 2010 based on the survey of AGB Nielsen (Household Ratings) in Mega Manila, Philippines:

    He’s Beautiful (ABS-CBN) – 17.1%
    Eat Bulaga! (GMA-7) – 14.6%
    Showtime (ABS-CBN) – 14.3%
    Alyna (ABS-CBN) – 14.2%
    Kapamilya Blockbusters (ABS-CBN) – 14.1%
    Pilipinas win na win – 13.9%
    Trudis Liit (GMA-7) – 10.2%
    Temptation of Wife (GMA-7) – 6.8%
    Koreana (GMA-7) – 6.6%
    Ang Yaman Ni Lola (GMA-7) – 6.4%
    Asar Talo, Lahat Panalo! (GMA-7) – 6.3%

    TV Patrol (ABS-CBN) – 33.9%
    Imortal (ABS-CBN) – 32.3%
    Noah (ABS-CBN) – 32.1%
    24 Oras (GMA-7) – 27.3%
    Magkaribal (ABS-CBN) – 27.1%
    Survivor Philippines Celebrity Showdown (GMA-7) – 25.4%
    Kokey@Ako (ABS-CBN) –25.2%
    Bantatay (GMA-7) – 22.2%
    Grazilda (GMA-7)- 21.7%
    Idol – 21.6 %
    Ilumina (GMA-7) – 19.8%
    kristine – 19.6%
    Beauty Queen (GMA-7) – 12.5%

    Chaka Chaka ang Beauty queenlessssssssssss

    hahahahahhahahahahhahaha yan ba ang beauty queen nyo flop na flop….ito ang kauna unahan sa philippine TV history 1st epesode palang flop na………as in nakaka hiya talaga maging kapussssssy

  2. pang beauty queen // October 20, 2010 at 1:07 pm //

    highschool palang si megan maganda na at matalino, at writer din iyansa school paper nila.go megan,go!

  3. kapamilya ruled // October 20, 2010 at 12:14 pm //

    ang ganda ni megan
    sana mabigyan sya ng chance
    mag lead role sa isang project

Leave a comment

Your email address will not be published.