Breaking

Ai Ai is Taking Up Public Administration in UP

Despite her busy schedule in showbiz, Ai Ai delas Alas is determined to finish her second college degree.

Wala na yatang makahahadlang sa paghahanda ni Comedy Queen Aiai delas Alas sa kanyang pagpasok sa politika. Matapos kasi ang isang semester ng pagsusunog-kilay sa kursong Public Administration sa prestihiyosong Unibersidad ng Pilipinas, handa na naman ang komedyana para sa susunod na semester.

“Sobrang masaya ako na nakatapos na ako ng isang semester. Gaya nang parati kong sinasabi, talaga kasing uplifting para sa aming mga ina ang pagbabalik-eskwela. Marami pa kasi kaming pwedeng ituro sa mga anak namin,” ani Aiai.

Sa kabila ng hectic na schedule niya sa showbiz, sinisikap ni Aiai na hindi lumiban sa kanyang mga klase. At kung hindi man ito maiiwasan, sinisigurado niya na nakaka-catch up siya sa kanyang mga aralin. Pangalawang degree na ito ni Aiai dahil isa siyang Mass Communication graduate mula sa Far Eastern University.

“Ayoko namang masabi ng iba dyan na artista lang ako, kaya ginagawa ko ito,” sambit ni Aiai sa isang interview matapos siyang tanungin kung bakit pa niya kailangan mag-aral gayung sikat na sikat na siya sa larangan ng pag-aartista.

Matatandaang sa pelikula ni Aiai na Ang Tanging Ina N’yong Lahat noong 2008, ginampaman ni Aiai ang papel bilang pangulo ng Pilipinas. Sa kanyang planong pagpasok sa mundo ng politika, hangarin din kaya niyang maging pangulo balang araw?

“Lagi kong sinasabing gusto kong posisyon, First Lady… Masaya ang Pilipinas kapag ako ang naging First Lady. Wala kayong gagawin kundi tutukan ako tapos buwisit-buwisitin ako, pintasan ako everyday. Hahaha!,” pabirong sagot ni Aiai sa tanong kung ano bang posisyon sa pamahalaan ang kanyang inaasam-asam.

Kapansin-pansin din na sa kabilang pagiging abala ni Aiai sa parehong academics at showbiz, nanatili siyang blooming at tila pabata ng pabata. Biro nga nang ilang entertainment press na mahilig siguro siyang magpa-retoke. Ngunit iginiit ni Aiai na ang kanyang “masayang buhay” ang dahilan ng kanyang patuloy na pagganda.

Samantala, sa M3 ngayong darating na Sabado, nagbabalik si Kringkring (Aiai) matapos sumailalim sa isang cosmetic surgery na dulot ng aksidenteng kanyang tinamo. Sa kanyang muling pagpasok sa eksena, siya’y isa nang glamorosang career woman na sasaklolo kay JM (Aga Muhlach) na napapabayaan na ang sariling kumpanya dahil sa pag-iisip kaniyang magiging anak kay Megs (Niña Jose). Magkabalikan pa kaya sina JM at Bea (Megan Young)?

Kasama rin sina Jojo Alejar, Jairus Aquino, ang M3 ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Frasco Mortiz.

Abangan at huwag palampasin ang Malay Mo Ma-develop o M3, Primetime Sabado, 9:45 pm, pagkatapos ng Twist and Shout sa ABS-CBN.

2 Comments on Ai Ai is Taking Up Public Administration in UP

  1. KapamilyaForever // October 28, 2010 at 10:22 pm //

    i like her a lot at sana lahat ng artista eh maging maingat sa kanilang income at huwag magwaldas, mag ipon habang may kita. I love Pokie, Aiai, Eugene, K Brosas, Pooh , Chocoleit at Vice Ganda, lahat sila deserving sa mga success na tinatamasa nila ngayon.

  2. kapamilya ruled // October 28, 2010 at 5:41 pm //

    good for aiai…

Leave a comment

Your email address will not be published.