Breaking

Angel Aquino, Matapang na Haharap sa ‘The Bottomline’ Ngayong Sabado

Unang pasabog ng The Bottomline with Boy Abunda ngayong 2011, TV Host Actress Angel Aquino, may mga pakakawalang rebelasyon tungkol sa kanyang buhay sa kauna-unahang pagkakataon!

Babalikan nina Boy at Angel ang kuwento ng kanyang buhay, lalo na nung nagsisimula pa lamang ito bilang artista. Pag-uusapan din ang paghihirap ng kaniyang ina para mapalaki silang magkakapatid, ang pagkakaroon niya ng anak sa murang edad, ang kanilang pagiging “other family” at ang pagsisikap niyang makatapos ng pag-aaral.

Paano nga ba nadiscover si Angel Aquino? Ano ang maituturing niyang biggest break sa showbiz?

Mula sa kuwentong pamilya, tatakbo ang usapan sa kanyang karera sa showbiz. Tatalakayin ni Boy ang mga pinagdaanan ni Angel para marating ang kanyang estado ngayon bilang isa sa mga pinakamagandang mukha ng showbiz. At ang matinding pasabog ni Angel, ang pagkaka-involve niya sa isang powerful na personalidad. Isang karanasan na ikukuwento ni Angel ng buong puso, buong tapang at buong katapatan.

Makikipag-balitaktakan rin si Boy sa anak ni Angel na si Iana na kasama sa mga Bottomliners. Very vocal si Iana sa pagsasabing hindi siya boto sa relasyong Angel Aquino at ng boyfriend nitong si Lui Villaruz. Matapang din itong hinarap ni Angel at sinagot punto per punto.

Mainit, matapang at malalim na talakayan na naman ang inyong masasaksihan ngayong Sabado sa “The Bottomline with Boy Abunda” pagkatapos ng primetime telecast ng Banana Split sa ABS-CBN.

2 Comments on Angel Aquino, Matapang na Haharap sa ‘The Bottomline’ Ngayong Sabado

  1. Angel Locsin Superstar // January 6, 2011 at 10:47 am //

    imortal number 1 winner na winner teleserye of the decade bongga sa lahat walang katulad ang imortal angel locsin the real superstar

  2. luv ko ang bottomline…

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares