Breaking

Vina Morales Stars in Wansapanataym’s ‘Ulo’ Episode

This Saturday, January 15, Vina Morales returns to acting in Wansapanataym's "Ulo" episode.

Kahit pa first love ang pagkanta, pinahayag ni Vina Morales sa isang panayam na miss na niya ang umarte. Kaya naman todo bigay sa akting ang singer/actress sa episode ng Wansapanataym na pinamagatang “Ulo” na eere na ngayong Sabado, January 15 sa ABS-CBN.

“Noong binigyan ako ng ABS-CBN ng chance na bumalik sa pag-arte via Agua Bendita, natuwa talaga ako. Mahal ko ang pagkanta pero nakakamiss rin talaga ang pag-arte,” saad ni Vina. Dagdag pa nito, “Ngayon naman after Agua (Bendita), Wansapanataym naman. Maganda yung episode na ito. Promise. Nakakatuwa pa si Miguel (De Guzman).”

Sa kwento, si Miguel De Guzman ay gaganap bilang isang batang pinanganak na may malaking ulo. Madalas itong ulanin ng tukso dahil sa kakaibang katangian nito. Kalaunan ay madidiskubre nito na may kakaiba siyang kakayahan na siyang magaangat sa buhay ng pamilya niya. Gaganap na ina nito si Vina at ang ama naman ay si Emilio Aguinaldo.

Abangan ang magandang kwentong hatid ng “Wansapanataym” ngayong Sabado, ang “Ulo,” pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.