Top


Trending Topics


Categories


Female Celebrities


Male Celebrities


Archive



Coco Martin is Torn Between Maja and Andi

April 9, 2011 by  

Coco Martin is thankful for having to work with Andi Eigenmann and Maja Salvador.

Ang bida ng ‘Minsan Lang Kita Iibigin’ na si Coco Martin ay naitambal na sa maraming magagandang aktres sa industriya. Ngunit wala pang napapabalita kung sino ang nililigawan talaga ng aktor.

Ngayong dalawang babae ang kanyang kapareha sa high-rating na primetime serye sa ABS-CBN, ang ‘Minsan Lang Kita Iibigin,’ sino kaya ang kanyang natitipuhan?

“Kung sino po ang gusto ko sa kanila… nakakalito po eh, ha ha ha! Biro lang ho. Sa totoo lang po pareho silang masarap ka-trabaho,” pahayag ni Coco. “Kahit sino siguro matutuwa pagnagkaroon sila ng opportunity na makasama sa isang project sina Andi at Maja. Swerte po ako na nabigyan po ako ng chance na ganun,” dagdag ng aktor.

Naka-focus ang aktor sa kanyang career ngayon bilang isang aktor. “Sa ngayon po kasi naka-focus po talaga ako sa trabaho. Pero malay po natin di ba? Di naman natin masasabi kung kailan darating ang pag-ibig he he he,” masayang sagot ni Coco.

Samantala, sa mga susunod na tagpo sa Minsan Lang Kita Iibigin, patuloy na uusbong ang pagiibigan nina Krista (Maja) at Alexander (Coco) at Gabrielle (Andi) at Javier (Coco) habang patindi ng patindi ang mga aksyong magaganap sa pagitan ng iba pang karakter sa kwento.

Huwag bibitaw sa umiigting mga tagpo sa Minsan Lang Kita Iibigin, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng “Mutya.”



Conversations

Comments

14 Responses to “Coco Martin is Torn Between Maja and Andi”

  1. Anonymous on April 9th, 2011 6:25 pm

    gling umarte n coco…..

  2. ella on April 9th, 2011 6:33 pm

    Hello handsome!super crush talaga kita…

  3. pov on April 9th, 2011 6:34 pm

    good actor and actresses.congrats!

  4. shane on April 9th, 2011 6:44 pm

    magaling si coco, we can’t deny it. Talagang dama ko ang kwento na talagang kambal siya. Keep it up coco, you’re a big asset in the Philippine movie industry.

  5. lettie t. on April 10th, 2011 1:14 am

    I watch all of Coco’s teleseryes. He is such a good actor no matter who he is paired with. Payag na ako kahit sinong ligawan niya! He he. Good luck and good health always Coco. He is so handsome and humble and he deserves the best. More projects to him please.

  6. lele on April 10th, 2011 1:39 am

    di ko feel ang teleserye nila. walang spark.

  7. @#6 on April 10th, 2011 5:10 am

    eh wag ka manood… adik ka… doon ka sa walang kwentang shows ng kapiso station mu…

  8. yyhh on April 10th, 2011 12:04 pm

    Minsan Lang Kita Iibigin THE BEST! ang hirap isipin kung anong mangyayari sa kanilang dalawa pati sa pamilya nila sympre gugulo pero… the fact that its about soldiers and rebels makes it complicated. Wawa ang writer … i bet ma writers block yun sometime buti na lang so far ahead sila nag taping.

  9. anonymous on April 10th, 2011 1:33 pm

    @6,ganda kaya ng MLKII,panoorin mo kaya nang malamana mo..baka mahook ka pa nga eh!congrats,coco,maja & andi!galing galing niu!pero mas curious ako sa tambalang berto & gabrielle…andun ang chemistry nila..sana gawing subplot ng writers.maipakita ni martin ang galing niya sa pag-arte bilang umiibig at karibal ni javier para kay gabrielle!haba ng hair ni gabrielle!

  10. jessa on April 10th, 2011 3:57 pm

    @6 ofcors hindi mo feel ang “spark” kasi nasasanay kna sa kpapanood ng mga baduy at non-sense na fantserye sa GMA!!!

  11. Anonymous on April 10th, 2011 7:15 pm

    sobrang type ko si coco! grabeh..ang galing nya, tpos ang gwapo p..tpos ang sweet ng smile nya..tpos talented p..hayyy…love you coco…kung meron man ako nais i-meet s mga artista, kaw un…am from jeddah KSA, at mlugod n sumusubabay s TFC lalo n s Minsan lng kita IIbigin..Godbless

  12. kapukpok on April 11th, 2011 7:15 am

    At least ito may originality at ang gagaling ng mga artista. Bakit gusto mo ba magfantasya na lang kami tulad sa GMEEW niyo?

  13. gracie on April 19th, 2011 6:40 pm

    ang gwapoh! tlga n coco! galng mo umrteh at sobrang cute m sa personal NO.1 FAN mo talaga ako . . .damn! mas lalo ako naiinlove . . . sau ! hayyy coco
    . .

  14. gracie on April 19th, 2011 6:51 pm

    the teleserye was definitely;absolutely’amazingly awesome! . . weew! i really love watching 8! LALO NA SI coco ANG bida!. . . 100%ang kilig! hindi nakakasawang panoorin! . . i cant help but watch 8 everytime 8 will b aired! hay naku. . coco bak8 ba ang gwapo mo? ayyyy. . .graveh! (SPECTACULAR) . . 4 me lang naman. . .!

Bottom