Breaking

Sam Pinto – Did She Really Beat Angel Locsin and Marian Rivera on FHM’s ‘Sexiest Women’ Poll?

Naging matagumpay ang victory party ng “FHM 100 Sexiest Women in the World” na ginanap noong Huwebes ng gabi, July 14, sa World Trade Center, kung saan rumampa ang ilang sexy celebrities na nakapasok sa listahan.

At siyempre pa, itinanghal sa nasabing event ang nanguna sa poll ng FHM na si Sam Pinto.

However, according to some reports, may mga kasama siya sa list na nagsasabing hindi raw siya deserving mag-no. 1. May mga ilang fans din nina Angel Locsin at Marian Rivera ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa resulta ng “FHM’s Sexiest Women” sa taong ito dahil hindi nagwagi ang kanilang idolo. Si Marian ay pumangalawa lamang samantalang si Angel naman ay pumangatlo.

Ang punto nila, hindi naman daw kasingdami ng fans ni Sam Pinto ang mga fans nina Marian at Angel kung kaya’t imposible raw na madaig niya ang dalawang higanting artista mula sa magkalabang network. At hindi rin naman daw nalalaman ng publiko kung ilang boto ang acctual na nakuha ng mga celebrities na nanguna sa poll.

Kung merong mga nagdududa sa resulta ng poll, meron din namang naniniwala. Ayon sa kampo ng mga sang-ayon, hindi maganda kung taon-taon ay sina Angel Locsin at Marian Rivera na lang ang mananalo. Mas exciting daw kung mabigyan naman ng pagkakataon ang hindi pa nananalo para maiba naman daw.

Leave a comment

Your email address will not be published.