Breaking

Meet the Characters of TV5’s ‘Valiente’

Get to know more about the main characters of "Valiente," a remake of the well-loved drama series in the 90s with the same name.

JC De Vera bilang Gardo Valiente: nag-iisang anak nina Damian at Luming, laki sa hirap at mapagmahal na anak, matalik na kaibigan ni Theo Braganza, handang mamatay kung kinakailangan para sa kaibigan, kasintahan ni Maila, may lihim na bumabalot sa kanyang pagkatao na magiging malaking hadlang sa ambisyon ni Dona Trining.

Oyo Sotto bilang Theo Braganza: tagapagmana ng Villa Braganza. Panganay at nag-iisang anak na lalaki ni Donya Trining, matalik na kaibigan ni Gardo, pero may isang lihim na sisira sa kanilang pagkakaibigan, magiging kaaway ni Gardo dahil sa kapatid na si Maila at sa agawan ng kapangyarihan sa hacienda.

Nadine Samonte bilang Maila Braganza: Ang bunso ng mga Braganza. Isang ampon. Pinakatahimik at mapagmahal sa pamilya Braganza, Malapit siya sa kay Theo pero kinamumuhian siya ni Leona, Magiging child psychologist at tagapangasiwa sa “Bahay Pangarap”, isang bahay-ampunan sa San Rafael, Nagmamahal kay Gardo.

Nina Jose bilang Leona Braganza: Ikalawang anak ng pamilya Braganza, Nagmana sa ugali at katalinuhan ng ina, Magkakaroon ng obsesyon kay Gardo at ituturing niya si Maila bilang karibal sa binata, Nagkaanak sa pagkadalaga, paniniwalain ang lahat na si Gardo ang ama ng kanyang dinadala, Magiging Head of PR Marketing ng Braganza corporation at makikilala bilang isang socialite.

John Regala bilang Pepito “Peping” Ramirez: Kanang kamay at galamay ni Trining, Siya ang gumagawa ng mga krimen sa Hacienda para kay Trining, Marami rin siyang lihim na alam sa hacienda Branganza ngunit pilit rin niya itong itinatago.

Michael de Mesa as Damian Valiente: Mapagmahal na ama at tanging tagapagtanggol ni Gardo. Asawa ni Luming, Matalik na kaibigan at katiwala ni Don Armando sa hacienda. Ang tanging susi sa lihim ng mga Braganza, Magiging karibal ni Trining para sa kapakanan ng Hacienda.

Leave a comment

Your email address will not be published.