Breaking

AHA! Goes to South Cotabato

Join the Science AHAdventure in South Cotabato this Sunday.

With our Ka-AHA!i Doorah d” Lakwatsira, saksihan ang ganda ng isa sa ipinagmamalaking tourist destinations ng bansa—ang
LAKE SEBU! Dito maga-ala Superwoman si Doorah sa 700-meter zipline para marating ang pitong talon o 7 FALLS ng Lake Sebu! And speaking of falls, aha-lam n’yo ba kung paano nagkaroon nito? Di lang basta urban legend ‘yan dahil may sagot ang science dyan!

At kung naniniwala ka rin sa Alamat ng Pinya, ngayong umaga bibigyang kasagutan ng siyensya ang tunay na istorya sa likod ng eye-full PINEAPPLE! Sinugod ng AHA! ang isa sa pinakamalaking plantasyon ng pinya sa buong mundo na nasa South Cotabato! Mula sa lupa hanggang sa lata na binibili natin sa tindahan, paano nga ba ang proseso ng pineapple production?

At kung nasa South Cotabato ang mga record holder sa mga pinakamalalaki, narito rin ang pinakamaliit! Meet the world’s tiniest cryptographer o hayop na gumagamit ng secret speech—ang PHILIPPINE TARSIER! Yup! Di lamang sa Bohol kundi maging dito sa South Cotabato ay matatagpuan ang big-eyed at super cute na creatures na ito! Mas kilalanin natin sila ngayong Linggo ng umaga!

So, mga Ka-AHA ni Drew Arellano, saan pa kayo? Tara na sa South Cotabato ngayong Linggo ng umaga sa AHA!

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares