Breaking

GMA’s ‘Tunay na Buhay’ Features Life of Chef Boy Logro

Learn from the life of Chef Boy Logro on GMA's "Tunay na Buhay" this Friday, June 8, after Saksi.

Mula sa pagiging isang house boy ay naging kauna-unahan siyang Executive Chef sa Pilipinas. Isang magandang halimbawa na lahat ay possible kung ikaw ay magsusumikap at mananalig sa Diyos. Siya si Chef Pablo ‘Boy’ Logro, ang nagpasikat ng mga katagang ‘Yum, Yum, Yum’ at ‘Ping, Ping, Ping’ sa kaniyang mga sikat na cooking shows. Pero bago pa man siya naging instant TV star, nagsilbi muna siya sa mga hari at reyna sa Oman. Dahil sa pagtitiyaga, unti-unti niyang naabot ang kanyang mga pangarap. Sikat man ngayon at nakakaangat na sa buhay, hindi pa rin nakakalimot si Chef Boy sa kanyang pinanggalingan. Tuklasin ang mga hindi pa nalalamang kuwento at sikreto sa buhay ni Chef Boy sa ngayong Biyernes na pagkatapos ng Saksi dito lang sa ‘Tunay na Buhay’.

1 Comment on GMA’s ‘Tunay na Buhay’ Features Life of Chef Boy Logro

  1. guilty2 // June 6, 2012 at 5:53 pm //

    grabe, si Chef Logro lang pala ang makakapabpataob sa Showtime lalo na sa rating…bang bang bang…bading ding ding!!

Leave a comment

Your email address will not be published.