Breaking

Photos: Dennis Trillo’s Striptease Scene with Marian Rivera in ‘Temptation of Wife’

Check out some photos from the latest episode of GMA-7's "Temptation of Wife" where the character of Dennis Trillo will have a striptease scene. This episode airs tonight.

Dennis Trillo Striptease

Lalong umiinit ang mga eksena sa pagitan nina Angeline at Marcel sa nangunguna at pinaka-tinututukang primetime drama ng Kapuso Network, ang Temptation of Wife.

Sa kagustuhang mapaibig muli si Angeline (Marian Rivera), hindi papayag si Marcel (Dennis Trillo) na bitiwan na lang ang asawa. Lahat ay gagawin niya mabawi lang muli si Angeline kay Nigel (Rafel Rosell). Kaya’t plinano niya na imbitahan si Angeline na magkita sila dahil papayag na siya na ipa-annul ang kanilang kasal.

Papayag si Angeline na makipagkita kay Marcel ngunit pagdating niya sa restaurant ay hinila siya nito papunta sa kanyang sasakyan. Itatakas ni Marcel si Angeline at ipapangakong hindi na muli pang guguluhin ang asawa pagkatapos nito.

Dadalhin ni Marcel si Angeline sa isang bahay at doon ipaparamdam ang lahat ng mga hindi niya ginawa noon sa asawa. Haharanahin niya ito at pakikiligin. Pagdating ng gabi, magsasayaw si Marcel ala-striptease sa harap ni Angeline.

Lalambot kaya ang puso ni Angeline at patatawarin si Marcel? Manunumbalik kayang muli ang pag-ibig niya sa asawa? Sino ang pipiliin ni Angeline kila Marcel at Nigel (Rafel Rosell)?

Mapapanood ang Temptation of Wife Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Pahiram ng Sandali sa GMA Telebabad.

Leave a comment

Your email address will not be published.