Breaking

Charice Admits She’s a Lesbian on ‘The Buzz’ (Full Interview Transcript)

"Opo, Tomboy po ako," this pretty much summed up Boy Abunda's interview with Charice on "The Buzz," Sunday, the first time the international singing sensation came out on national television.

Charice

Showbiz writer Darla Sauler posted the full transcript of The Buzz tell-all interview on his blog www.darlasauler.com:

BOY: Everybody is talking about you… Dito tayo mag umpisa bakit ka naging mailap sa media?

CHARICE: Ako pag may mga big issues na lumalabas, siyempre tao pa rin ako natatakot ako. Sobrang maingat po ako na parang di ko alam kung anong dapat kong sabihin para maging neutral lang ang maging reaksyon ng mga tao. Kasi ayoko po na bigla na lang ako magsasalita tapos lahat negative, binigyan ko po yung sarili ko ng break na mag-isip kung ano ba yung dapat kong gawin, kung ano ba yung next step na kailangan kong gawin para maging better lahat ng situation kaya po ko nakaharap po sa inyo ngayon.

BOY: Why are you breaking your silence now? Bakit ka nagsasalita ngayon?

CHARICE: Andami ko pong hininging sign, totoo po pala yung pag nafeel mo po… Sa ilang taon ko rin po na parang madami po akong ginawa para sa mga tao na mahal ko, sa mga pamilya ko, ginawa ko po para sa kanila, ngayon ko po talaga nafeel na this time gusto ko naman gawin para sa sarili ko

BOY: Ito yung mga signs na iyon, yung mga signs na pinanggalingan kung bakit magkaharap tayo ngayon

CHARICE: Opo.

BOY: Umpisahan natin ang pag-uusap sa iyong pamilya… Diretsa, ikaw ba at ang iyong mommy, si Mommy Racquel magkagalit?

CHARICE: Opo nag-away kami ni mommy. Kailangan ko po siyang intindihin kasi kung nasaktan niya man po ako, alam ko pong mas nasaktan siya bilang isang ina. Ngayon po hindi po kami yung magkaaway kumbaga nasa stage pa rin po kami kung saan tinatry namin pareho na intindihin yung isa’t-isa! Pero I have to give her credit na talagang tinatry po niya na intindihin yung sitwasyon kaya po sinasabi ko po na opo nagkaaway po kami pero normal lang po yun.

BOY: Lola mo? Kayo ba ng lola mo ay magkagalit?

CHARICE: Sa totoo lang po hindi naman po. Alam ko po may nakita po akong interview po niya pero hindi po kami magkaaway kasi una po sa lahat hindi pa naman kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap kami ng lola ko. Siguro po siyempre may sarili naman pong opinyon ang lola ko at tinatanggap ko rin po yun. Kaya noong napanuod ko po yung interview niya, naiintindihan ko naman po at hindi kami magkaaway.

BOY: Sino si Robert Ybera?

CHARICE: Ninong ko po siya! Marami po akong nakita na comments niya, na sinabi niya sa media, sa mga tao. Pero tito boy nirerespeto ko siya. Nirerespeto ko siya as a person. As my ninong. Malaki yung utang na loob ko sa kanya honestly.

BOY: Hindi ka galit sa kanya?

CHARICE: Hindi ko alam kung bakit hindi ako galit sa kanya! Kahit na isipin ko po na dapat akong magalit dahil sa mga sinabi niya, pero hindi, nagstay po kami sa bahay niya, mga small things kasi siya nagturo sa akin magdrive. Basta ang sa akin lang po kilala niya ako bilang isang tao, at kilala ko po siya at nirerespeto ko siya malaki ang utang na loob ko sa kanya.

BOY: Naging usap usapan umalis ka ng bahay may mga gumamit ng salita na naglayas ka ng bahay ito ba ay totoo?

CHARICE: Naglayas… hindi ko po… naglayas… hindi ko po alam kung anong sasabihin ko diyan. Umalis po ako nang bahay opo. Pero alam ko po na parang alam din naman ni mommy noon, na doon din darating sa point na yun. Umalis po ako dahil hindi ayoko na roon, umalis ako dahil yun yung kailangan kong gawin…

BOY: Charice ang tanong ng lahat ngayon ay nasaan ka ngayon, saan ka nakatira dito sa pilipinas? Sino ang itinuturing mong pamilya? Lalo na itong panahon na mahirap ang iyong pinagdaraanan.

CHARICE: Ngayon po nagsestay po ako dito po sa Laguna po sa Cabuyao… Nagsestay po ako sa isang pamilya na hindi ko po ineexpect na makikipagsapalaran din…

BOY: Susugal?

CHARICE: Susugal as in! would take a bullet for me. Kaya noong birthday ko, napakaswerte ko na may mga ganong tao! Kasi sa sitwasyon ko ngayon Tito Boy hindi ko ineexpect yung… ang hirap magtrust! (tears up) Ang hirap maghanap ng taong ganon. Pero again hinayaan ko ang diyos na bigyan ako ng sign bigyan ako ng kung sino ang pwedeng tumulong sa akin. Nandito sila sa Laguna, sina mommy ina, sina daddy george, sina kuya glen. Matagal na po kaming magkakakilala. Bata pa po ako eh kaya po noong pagdating ko na sa bahay noong araw na yun, na-feel ko po yung kumportable po talaga ako.

BOY: dito you’re home no?

CHARICE: opo. Ngayon ko po masasabi na, na pag pumasok ako sa isang bahay pwede akong humiga, na sabihing “hay, pagod na ako.” Pwede ko lahat gawin, pwede akong magbaliw-baliwan, pwede kong ipakita kung sino si charice sa harap nila, nang walang manghuhusga.

BOY: that’s what you call home. Ano ang nais mong sabihin sa kanila? To your family, to your home here?

CHARICE: sa pangalawang pamilya ko po, yung pasasalamat, parang feeling ko na hindi pa po sapat yun sa mga ginawa nila para sa akin. Isang buwan na po ako nandito pero parang years na po akong nagsestay rito. Yun po ang pinafeel nila sa akin, gusto ko po sabihin talaga sa harap ng maraming tao na nagpapasalamat po ako sa kanila. Sana po, huwag sila mag-isip ng against sa kanila, kasi kung hindi po dahil sa kanila wala po ako ngayon. Siguro po sobrang depressed ako kaya nagpapasalamat po ako.

BOY: umaasa ka ba charice na mabibigyan kayo ng pagkakataon ng lola, ni robert at nanay mo na makapagusap ng tahimik?

CHARICE: siguro po naniniwala po ako roon. Lagi ko naman po tinatry na isipin na positive lahat na eventually lahat magiging okay.

BOY: iba pang pinag-uusapan, may mga haka-haka ngayon na diumano’y wala nang karera si charice. Patambay tambay na lang sa cabuyao! Comment.

CHARICE: alam niyo po yung mga tao nga rito ang tawag na sa akin moymoy laughs

BOY: bakit moymoy?

CHARICE: palaboy! Laughs Parang naging joke na po yan dito noong nalaman nila yun. Natawa na rin po ako kasi narealize ko na ang hirap pala, pag nagtry kang magpakababa may comment pa rin. Yung nakikita nila ako sa labas gumagala ako ganyan – ganoon po talaga ako! I’d rather do that kesa na maging pasosyal ako na ayokong lumabas o ayokong magpainit – nanunuod ako ng liga ng basketball dahil yan po ang hilig ko ngayon! Yun po yung gusto kong gawin.

BOY: pagusapan natin yung karera – diumano’y wala nang karera si charice, sa mga tagahanga na gustong malaman ang nangyayari sa iyong karera.

CHARICE: sa US po si mark johnston pa rin ang naghahandle sa akin, wala pong nagbago roon. Dito naman po sa philippines, si glen aldueza. It’s just very nice to have yung tao na kilala ka, alam kung gusto mo alam yung ayaw mo.

CHARICE: magkakaroon po ako ng recording, magkakaroon po ako, magrerecord ako ng isang song na magfeafeature sa isang malaking project, siyempre po mga TV shows na lalabasan ko rin po na hindi pa pwedeng sabihn, kung pwede lang po sasabihin ko.

BOY: in other words, may mga nangyayari sa iyong karera?

CHARICE: siyempre po para naman dito sa mga fans ko sa philipines, we’re still working on doing my third album in the philippines, na para lang po sa kanilang lahat!

BOY: basically what we’re trying to say here is lalo para sa iyong mga tagahanga yes, my career is undercontrol, my career is doing okay.

BOY: ito na yung pinaka-aantay ng sambayanang pilipino, ito yung pinakakontrobersyal, dito ako nagpapasalamat dahil buong tapang at buong tiwala mo ibahahagi sa amin kung ano ang iyong kwento. Noong lumabas ang iyong mga larawan sa social networks, maraming tanong, maraming mga haka-haka, tungkol sa mga pagbabago ng appearance mo, pananamit, buhok, pati na ang iyong mga kilos. Bakit nagbago ito? May mga speculations na si charice nagrerebelde, si charice ay naghahanap ng atensyon. What do you wanna say?

CHARICE: hindi ko po alam ang ieexplain ko kasi lahat ng ginawa ko yung nagpatattoo ako yung nagpagupit ako – lahat po iyon choices na ginusto ko po, na alam ko pong very risky. Pero ginawa ko po dahil yun ang gusto ko po. hindi po dahil sa nagrerebelde ako hindi po dahil sa nasaktan ako ng isang tao or nasaktan ako ng pamilya ko or emotionally depressed ako dahil ginawa ko yun, dahil yun po ang gusto ko.

BOY: mahirap itong itanong, I don’t know how to phrase this… only because ako’y naniniwala that you don’t owe anybody any explanation. Naniniwala ako na walang kinalaman sa talento ang usapin na may kinalaman sa sexual orientation at gender identity. Pero kinakailangang itanong kaya itatanong ko… Simple lang, charice, are you a lesbian?

CHARICE: tito boy meron po akong chance na gawin po lahat ng ito internationally

BOY: chance ibig sabihin itong paguusap na ito doesn’t have to happen here in the philippines?

CHARICE: pero pinili ko po rito dahil malaki po ang utang na loob ko sa mga pilipino dahil nafeel ko na gusto kong sila yung makaalam kung anuman po ako, kung sinuman po ako…

CHARICE: Opo, tomboy po ako. Hindi ko po alam kung ano ang problema nun. Kasi para po sa akin wala pong problema yun. Ngayon gusto ko pong humingi ng patawad sa mga hindi po nakaintindi, sa mga hindi po ako matatanggap. Sorry po. Naiintindihan ko po kayo. Pero sa lahat ng makakatanggap, matatanggap po ako maraming maraming salamat po.

CHARICE: pero sa ginagawa kong ito, gusto ko lang na sabihin sa inyo na, ang gaan ng pakiramdam ngayon. (tears up, voice slightly breaks) na makakalabas ako ng bahay na wala akong itatago, na wala akong masasagasaang tao! Dahil wala akong tinatago! Sorry mommy, carl – pero ito ako. Proud ako sa sarili ko mahal ko ang sarili ko kaya ko po ginagawa ito. Sa mga fans ko, alam ko na marami sa inyo na alam ko marami sa inyo disappointed, alam ko nga ilan sa inyo siguro tatalikuran na ako. Sorry. Alam niyo na sincere akong tao, from the bottom of my heart, I’m sorry. Naiintindihan ko.

BOY: charice gusto ko lamang iklaro, nagsosorry ka not because you’re a lesbian. Nagsosorry ka lamang because?

CHARICE: alam ko po na nasaktan silang lahat.

BOY: nasaktan sila na nag-out ka, at hindi nila inexpect. At sa ating kultura, hindi ito ang normal at usual na paraan dahil kadalasan ay itinatago para matuwa ang publiko ang fans, pero pinili mo magsabi ng totoo, pinili mo magsabi ng totoo dahil yun ang tama. Do you hope na isang araw, makapagtrabaho tayo sa isang bansa, sa isang mundo, sa isang industriya na hindi tinitignan ang kasarian, kundi talento?

CHARICE: naniniwala po akong someday… darating po yan, mahirap lang ngayon. Naniniwala akong someday lahat po tayo lalabas at magtatrabaho na pantay pantay lang. Kaya nga minsan sinasabi na “are you gay?” “what are you straight?” pareho lang naman yun e.

BOY: how do you feel? Do you feel free?

CHARICE: sobra po.

BOY: ipupush ko lang nang kaunti, now that you’ve said you are a lesbian – nagkaroon ka na ba ng mga relasyon sa kapwa babae?

CHARICE: opo naman! Siyempre po hindi ko naman masasabi kung sino yung mga nakaraan, pero opo naman naexperience ko na po yan.

BOY: pero tago ka nang tago

CHARICE: tago po! (laughs)

BOY: the last time I saw you, you were with chesa. Did you have a relationship with her?

CHARICE: ah opo, hindi joke lang po laughs. Kasi I remember na nagpost kami ng picture na ang caption ko my baby girl, nakita namin sa timeline namin sa twitter na uy jowa jowaers! Mga ganyan pero no po.

BOY: laughs ang cute mo ngayon nakakaganyan ka na.

CHARICE: laughs si chesa po is like a sister, like a big sister. Hindi po totoo.

BOY: ito pa ang isang hinihintay ng sambayanan – sino si alyssa quijano (X-Factor’s AKA JAM member), sa buhay ni charice?

CHARICE: teka punasan ko lang muna yung pawis ko.

CHARICE: uhm… matagal na po kaming magkakilala, nagkakilala kami 9 years old siya, 10 ako. Sa mga singing contest po nagkakalaban kami lagi. And then nagkita po kami uli sa X Factor. Pero ang masasabi ko lang po, siya sa buhay ko… she’s an inspiration. Isa po siya sa pinagkukunan ko po ng lakas ngayon. She’s a very special person.

BOY: mahal mo si alyssa?

CHARICE: giggles. sorry! Uhm… sana mabuksan niyo yung puso ko para makita niyo yung sagot!

BOY: kung bubuksan ko yung puso mo is it a yes or a no?

CHARICE: malakas po ang tibok

BOY: ah malakas lang ang tibok. Pero ito si alyssa ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng hidwaan sina charice at ang kaniyang pamilya?

CHARICE: siguro isa na naman po yan sa is masasabi nating expected na mangyayari…

BOY: sinasabihan na siya ang pinaggagastusan ni charice, siya ang ayaw ng pamilya.

CHARICE: basta po ang masasabi ko lang hindi naman nila kilala si alyssa! They don’t know how amazing she is, pero alam kong naiintidihan niya.

BOY: nagtanan daw kayo?

CHARICE: tito boy ano ha parang masyado akong binata!

BOY: may plano ka bang magpakasal someday?

CHARICE: one day one day siyempre po hindi ngayon pero one day!

BOY: nasaan ang diyos sa buhay mo ngayon?

CHARICE: nasa puso ko po lagi, dahil isa rin po yan na akala po siguro ng ibang tao kinalimutan ko na pero hindi po nila alam na halos everyday iniisip ko na bahala na po kayo Lord. Alam ko naman pong siya yung nagaguide sa akin.

BOY: Ano ang dasal mo sa diyos?

CHARICE: ang dasal ko po sana po eventually po matanggap po ako ng mga tao na gusto kong matanggap ako meaning yung family ko po!

BOY: sa lahat ng ito charice ano yung pinakamahalagang leksyon na iyong natututunan?

CHARICE: sa mommy ko, kay carl… sana po mas naging open pa ako mas naging honest pa po ako. Kasi yun po ang pinakaimportante sa relationship ng mga magulang at mga anak na maging open sa isa’t-isa – kahit na anong maging reaksyon ng bawat isa. Sa lahat ho ng ibang mga kabataan diyan na kaage ko, mga tao na pinagdaraanan ito, always be true to yourself. Alam natin sa sarili natin kung sino ka, life is too short to play games. Just be free.

BOY: muli, para sa iyong mga fans?

CHARICE: chasters, ito na to! This is it! New chapter. Welcome, welcome to my crazy life. Enjoy the ride.

BOY: kung merong isang awitin that will capture what you wanna say to the world, what is that song? Sing me that song!

(CHARICE sings “PERFECT” by PINK)

BOY: What was that favorite song you used to sing in most of the contests you used to join? Yung pinipili niyo ng mama niyo?

CHARICE: baka maiyak na naman ako!

BOY: I would love to hear you sing that song now, that you’re free!

(CHARICE sings “MAGHINTAY KA LAMANG”)

BOY: mahal na mahal kita charice at salamat.

10 Comments on Charice Admits She’s a Lesbian on ‘The Buzz’ (Full Interview Transcript)

  1. You’re an inspiration to others, Charice. As what you mentioned, there are still people hiding their true identity. Now, you made them feel that they are not alone. That they can also be happy by expressing what they trully feel. I am still a fan. You will not be defined by your gender orientation but by the talent you possess.

  2. go go go for the life charice…………

  3. go charice!

  4. go char ice! mas masarap mabuhay kapag wala kang itinatago. 🙂 i support you

  5. go lng charice,,,,

  6. Anonymous // June 2, 2013 at 8:25 pm //

    Epal kc yung writer nila, nilagay agad yung transcript ng interview sa blog niya e hindi pa naman na-e-air sa Buzz

  7. I don’t mind kung isa kang tomboy. Ang sa akin lang, baka magbago ang patutunguhan ng career mo dahil sa rebelasyon mo. Hindi mo pa narating ang peak. Paakyat ka pa lang. Akoy naniniwalang hindi mo kailangang baguhin ang itsura mo para maexpress mo lang kung ano ka. Sana e keep mo na lang ang dating itsura ni Charice na pinapanood ko sa youtube halos gabi gabi.

  8. I admire your courage and bravity to come out. Just be strong and trust yourself! Everything will be okay. God loves you Charice!

  9. This transcript was posted EVEN BEFORE the interview is aired! THAT INTERVIEW IS CURRENTLY AIRING ON ABS-CBN THE BUZZ AS OF THIS WRITING!

  10. Ok lang un Charice pero sana d mo pabayaan singing career mo, u worked hard for to attain what u achieved, sayang.

Leave a comment

Your email address will not be published.