Breaking

Jessy Mendiola Breaks Silence About Break-Up with JM de Guzman

Jessy Mendiola finally revealed the story behind her break-up with Kapamilya actor JM de Guzman during the press conference for her teleserye "Maria Mercedes" on Wednesday, July 26, in ABS-CBN.

IMG_3505

Isang matapang at malakas na loob na Jessy Mendiola ang humarap sa media noong nakaraang Hunyo 26, 2013 para sa solo presscon ng kanyang bagong teleserye Maria Mercedes na ginanap sa 9501 Restaurant sa Abs-Cbn Compound. Aminado si Jessy Mendiola na hindi sya nagsalita tungkol sa hiwalayan nila ni JM De Guzman dahil ayaw nya pang gumulo ang sitwasyon. Pero sa pagkakataon na ito ay handa na daw syang sagutin ang lahat ng isyu na iyon tungkol sa kanya at ito ang kanyang ilang pahayag.

Anong reaksyon mo na even up to now ay hindi pa rin maka move-on si JM sa paghihiwalay ninyong dalawa? Napabayaan nya ang trabaho nya at nalulong sa bisyo? Anong masasabi mo doon?

“ I can’t really speak for him, but I speak for myself.”

“Yung nangyari po kasi sa amin before…OPO NAGING KAMI! Marami akong natutunan sa part ng buhay ko ngayon… I really can’t…(Napatigil si Jessy at sinabing…) Naiiyak na naman ako. (Nangingilid ang luha nya). Hindi ko masabi yun dati because kami ng mom ko, hindi rin kami okay noon. At syempre kung magsasalita ka pa sa ibang tao. Kung kayo internally hindi kayo okay…Mas lalong magiging magulo kung ang lahat ng tao ay alam…kung anong nangyayari sayo. So, I kept it to my mom about it.”

“Dumating sa time na hindi na kami nag uusap ng mom ko. Gumigising ako na pupunta ako ng taping na hindi ko alam kung nasaan sila.

“Marami ang nagsasabi na napakasama kong tao kay JM kasi hindi talaga ako nagsalita tungkol sa kanya. Nagkataon lang na umamin sya na mahal nya ako nung….WALA NA KAMI! At ayaw ko na pang dagdagan na sabihin na…Opo Mahal ko sya kahit hindi pwede kasi hindi kami okay ng mom ko. I really kept mom about it. Tinanggap ko nalang yung sinabi ng ibang tao na…Ah pinaasa mo lang sya.

Ganito…Ganyan…Sinira mo yung career nya…yung trabaho nya…pero gusto ko rin pong malaman ng ibang tao na…NAGMAHAL DIN PO AKO! And masasabi ko rin po na…INALAGAAN KO RIN PO SYA! Hindi nalang rin po ako nagsalita.(Mangiya-ngiyak)”

“So, ngayon po kung ano po yung nangyayari sa kanya,I really hope and wish all the best for him na sana maka bangon sya. Kasi napakagaling nyang actor at napakabait nyang tao(nagpahid ng luha).”

“Sabihin nalang po natin na NAGMAHAL DIN PO AKO! HINDI LANG SYA!”

IMG_3588

Hindi ba maganda ang inyong paghihiwalay? At aminado ka ban a isa sa mga dahilan sa paghihiwalay na yun ay ang mom mo, na sobrang against sa kanya?

“OPO! Isa rin sa dahilan ang mom ko. Kasi malaking factor din naman ang nanay sa isang relasyon. Kung meron ka mang karelasyon or mahal na tao, may malaking say ang nanay mo dun kasi nanay mo sya eh. Pero hindi ko rin masasabi na totally it was because of my mom. It was also because of me. I should trying make someone to plead to build someone up…hindi mo na rerealize or you don’t see na ikaw din pala…you are slowly breaking. So, I choose to love myself more and focus muna sa trabaho, so ayun po.”

Gaano katagal kayong naging mag kasintahan?

“TWO YEARS!”

Ano reaksyon mo nung nababalitaan mo na yung nangyayari kay JM?

“Syempre po nalulungkot po ako…kasi napagaling nyang actor at sayang naman kung hindi nya gagamitin yung talento nya. Yung pagkatao nya rin naman, mabait syang tao. Sobrang bait na tao at sobrang may paninindigan din naman sya. Dahil nakita ko rin naman yung pinanindigan nya. Yung nababalitaan ko na yung trabaho nya na nakaka problema sya. Nalulungkot din po ako pero sya nap o kasi yun eh. Hindi ko nap o hawak yun. Kung pwede ko lang po sya tulungan, kung pwede ko lang pong mahawakan yun, gagawin ko pero hindi po…DESISYON NYA PO YUN.”

ANO TALAGA YUNG DAHILAN NG PAG BE-BREAK-UP NYO? Ano talaga?

“Mas minahal ko po yung sarli ko nalang muna. Kasi, mahirap din po yung hindi ka nagtitira ng konting pagmamahal sa sarili mo. Yun po!”

3 Comments on Jessy Mendiola Breaks Silence About Break-Up with JM de Guzman

  1. – 26 –

  2. teka baket JULY 27 ang nakasulat sa article. JUNE pa lang po starmo. masyado mo naman mimamadali ang buwan ng june. hehehe!!!

  3. Wow two years… Makaka move in din yan Si mo masasabi Kung kelan pero darating din ang time.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares