Breaking

Mia Continues to Cheat in ‘When a Man Falls in Love’

Tumitindi ang pagtataksil ni Mia at umabot na ito sa rurok sa muntikan nilang pagniniig ni Jake sa mismong bahay ni Anthony sa mas umiinit na kwento ng “When a Man Falls in Love.”

Mias Deception

Hindi na mapigilan ni Mia ang nararamdaman para kay Jake kaya naman bumigay na ito sa binata. Naantala lamang ang paglalaro nila ng apoy sa biglaang pagdating ni Anthony. Ngunit, hindi magiging ganoon kadali para sa dalawa na ikubli ang kasalanang pinagsaluhan lalo pa’t makikita ni Anthony ang suot na polo ni Jake sa kanyang mismong bakuran. Ano ang gagawin ni Anthony oras na mapatunayan ang kataksilan ni Mia? Hanggang kailan magagawa ni Mia na tuhugin ang dalawa? Ano ang mananaig sa kanya— ang lalaking isinisigaw ng puso niya o ang lalaking pinagkakautangan niya ng loob? Pakatutukan ang seryeng nagpapakita kung paano magmahal ang tunay na lalaki, ang “When a Man Falls in Love,” gabi-gabi pagkatapos ng “Maria Mercedes” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, sundan ang @Kapamilyanovela sa Twitter o i-like ang official Kapamilyanovela Facebook page sa http://www.facebook.com/ABSCBNKapamilyanovelas.

Anthony

Leave a comment

Your email address will not be published.