Breaking

Vhong Navarro – ‘Buzz ng Bayan’ Interview Transcript and Video

Host/Comedian Vhong Navarro broke his silence after he was reportedly attacked by a group of men inside a condominium unit in Fort Bonifacio, Taguig last January 22.


IMG_7885

A recuperating Navarro narrated the details of the ordeal in “Buzz ng Bayan” on Sunday afternoon where he name-dropped the stunning model Deniece Milinette Cornejo as the 22-year-old student who invited him to visit her at the condo.

The host/comedian admitted to Boy Abunda that something happened with him and Deniece last January 17 but not to the point of sexual intercourse.

“May nangyari po pero walang sexual intercourse,” he said. He left the condo and went home. He received a text from Deniece saying “Bad Boy ka.”

He replied “I’m sorry bawi ako.”

The next day, January 18, Deniece invited him for dinner. But because of his busy schedule, Navarro told her he will just visit her again on January 22.

Wednesday night, the host/comedian did visit her at the condo and even brought some food. After he placed the food on the table, two men entered the room and started to attack him. One of the men he name-dropped as Cedrick Lee Vina Morales’ ex-husband according to netizens (that’s why “Vina Morales” is also trending on Twitter as of this posting.)

Vhong Navarro narrates:

“Ang ginawa po niya, tinali yung kamay ko, tinali yung paa ko, tapos ‘yung ulo ko po nilagay nila sa sahig tapos pinagsasapak ako ni Cedrick habang may nakatutok sa aking baril.

“Tapos po nilalagyan ako ng busal sa bibig sabi niya ‘wag kang sisigaw, pag sumigaw ka papatayin ko ang mga anak mo, papatayin ko ang pamilya mo, papatayin kita. Hindi po ako sumisigaw, kalmado lang ako.

“So ‘nung b-in-lindfold niya ko, narinig ko bumukas ang pinto may nagpasukang sumapak sa akin ulit, gumulpi sa akin ulit.

“Pagkatapos ‘nun nilagyan pa rin ako ng tapal, ng busal sa bibig, tinanggal yung blindfold tapos binaba ‘yung pants ko. Tapos v-in-ideo po nila.

“Tapos Tito Boy mula po sa sofa, nilagay po nila ako kung saan ko nilagay ‘yung food at pinapasabi nila sa akin ‘to: ‘Ako si Vhong Navarro, ni-rape ko ang kaibigan ko.

“‘Nung mali ang sinabi ko sinapak uli ako ni Cedrick. Sinapak po uli ako. ‘Ayusin mo, ulitin mo. Tapos po binaboy po nila kung ano itsura nung…

“Tapos po, ulitin ko raw po ‘yung sinabi ko na ako raw po si Vhong Navarro, nang-rape daw po ako ng kaibigan. Nang-rape daw po ako ng kaibigan.

“And then after nun pinaakyat yung pants ko, shorts ko, tapos nagbibiruan sila na ‘sipain mo nga yan’ mga kasamahan na po nila ito. Sinipa po nila ako, starmometer sinapak po nila ako.

“Tapos sabi nung isang naka-gray na lalake, nakabodyfit ‘bigyan mo na lang ng P200,000 si Deniece para damage mo sa kanya.

“Sabi ko sige, umoo na lang po ako natatakot ako e, later on baka ano na ang sunod nilang gawin baka barilin na nila ‘ko. Tapos sabi ni Cedric ‘hindi, gawin mong P500 thousand.

“Tapos lumapit sa akin ‘yung isang Mike, may lumitaw na Mike. Sabi ‘nung Mike o dadalhin kita sa presinto ha ipapa-blotter kita. Proteksyon namin ‘to sa ‘yo kasi baka magsumbong ka. Pero ‘yung pagdadalhan natin walang masyadong tao so safe ka pa rin.

“Binaba po nila ako ng condo, nakita po ako ng guard pero wala po silang paninita na nangyari.”

“Tinanggal lang ‘yung sa paa para makapaglakad po ako pero ‘yung kamay naka-tape. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nilang blocking pero pinagsumbrero lang po ako na bumababa pero nakatali ‘yung kamay ko. Sinakay nila ako sa van. Naka-shorts ako. Ziniplock pa lahat ng duguan.

“During bumabiyahe po kami, humirit ‘yung Cedric na ‘O imbes na P500,000 gawin mo ng P1 million.’

“Hanggang sa nakarating na kami, medyo liblib po so pagpasok namin, medyo hindi ko masyado nakita kung prisinto po or kung ano. Pagdating doon, may logbook, nagsasalaysay na si Deniece. Kinakausap ako nung Mike, sabi niya, ‘Sinasabi ko sa ‘yo, sundin mo lang gusto naming, ibigay mo lang ‘yung gusto namin, wala kang video na lalabas. Walang media na lalabas basta ibigay mo lang yung usapan natin.’

“During that, narinig ko sinasabi ni Deniece na nahuli daw kami sa akto na nire-rape ko siya kaya daw dumating at ginulpi ako. Parang ganun. Naririnig ko ng konti kasi habang kinakausap ako, naririnig ko lang si Deniece diyan banda.

“…After noon, pinapirma na ako sa blotter tapos tinawag ako ulit ni Cedric sa labas. Lumabas ako, tinawag ako ni Cedric, ‘Iimbes na P1 million, P2 million na.’ Sabi ko wala na akong perang ganun. Hindi ko na kayang ibigay ‘yun, sabi ko hanggang P1 million lang.

“Bumalik ako doon, sabi ko sa pulis, kung pwede ako maghilamos kasi may mga dugo pa ako. Sabi nila kung pwede daw hingin side ko, sabi ko huwag na po.

“…Sabi nila kung gusto ko ilabas statement ko. Sabi ko ayaw ko na po, natatakot ako. Kung ilalabas ko tapos nandoon sila, baka kung ano na namang gawin sa akin.

“After nun, sabi ni Mike ihahatid daw nila ako sa condo kung nasaan ‘yung kotse ko. Lumabas ‘yung Mike saglit, kinausap ko ‘yung pulis sabi ko ‘Kung puwede po ba kayo ang maghatid sa akin?’ Nung hinatid po nila ako…

“‘Yung pulis, kaya lang kasama ‘yung Mike, may isa pang lalaki and mayroon pang isa. Kasama po nila itong mga sumama. Binaba nila ako sa kotse ko. Kumatok pa yung Mike tapos sabi, ‘O mag-ingat kayo.’

“After noon, kinuha ni Mike ‘yung number ko. Nakuha din ni Cedric ‘yung number ko kasi para din sa transaction.

“May binigay silang bangko. After nun, kumatok yung Mike tapos sabi nung Mike, ‘O ingat kayo.’ Sabi ko sa driver ko, ‘Isarado mo na yung bintana. Alis na tayo. Huwag mo na tignan iyan.’ Tapos tumawag. Tumawag at sinabi nung Mike sa akin na, ‘Walang lalabas na video, walang lalabas na blotter, walang lalabas sa media basta ibigay mo lang ang hinihingi namin ni Cedric. Tatawag siya sa ‘yo bukas, ibibigay sa ‘yo ang bank account. I-deposit mo lang doon, tapos ang usapan.’

“Sabi ko, ‘Opo.’ Natatakot po talaga ako Tito Boy. Ang pwede ko lang sagot ay opo, hindi ako pwedeng humindi.

Boy Abunda asked the It’s Showtime host what he’s thinking during that time.

“Unang papasok siyempre din ‘yung pananakot, pamilya ko, mga anak ko. Tapos ‘yung career ko. Siyempre po after ng nangyari dito, siyempre ‘yung kahihiyan ang pambababoy sa akin.

“Hindi ko alam kung anong kalalabasan nito sa lahat, sa lahat ng mga magulang, sa mga bata, sa mga kaibigan ko. Hindi ko po alam. Basta ang iniisip ko ngayon dito, gusto ko maging safe ‘yung mga anak ko, gusto ko makitang safe ‘yung pamilya ko dahil ayaw kong may mangyari sa kanila.

“Hindi ako rapist. Hindi ako nagda-drugs. Matino akong tao, may takot ako sa Diyos. Mahal ko ang mga magulang ko. May respeto ako sa mga magulang ko kaya gusto ko kung ano ang gagawin ko, hindi gagayahin ng mga anak ko.

“‘Yun nga ang masakit eh. Sa gitna ng nangyari sa akin, ayaw ko sila sa tabi ko muna. Ayaw ko sila sa tabi ko kasi ayaw ko makita nila ‘yung itsura ko. Ayaw ko na mawalan sila ng lakas ng loob kasi nung nakausap ko sila, gusto nilang gumanti kasi siyempre anak iyan eh.

“Ayaw ko po maawa sila, ayaw kong makita nilang ganito ako. Gustong gusto nila pumunta pero sabi ko huwag muna. Di bale kapag nakalabas ako dito, magkikita-kita naman tayo. Kasi gusto ko sila yakapin kaso puro kami telepono. ‘Yung daddy ko ayaw ko papuntahin kasi may sakit ‘yun eh. Pero sabi niya ‘Tatay mo ako, bakit wala ako diyan?’

“Kung hindi ko lalakasan ang loob ko, tulad nga ng sinasabi ko, kung nangyari sa akin ito, I’m sure pwedeng ulitin. Pwedeng mangyari ulit. Kundi man sa akin, sa iba pang mga kasamahan natin sa industriya or ‘yung mga ordinaryong tao na walang mga kapit or ‘yung mga walang kakilala, koneksyon. Kasi itong mga taong ito, malalakas ang koneksyon.

“Kasi Tito Boy, paano kung nagbigay ako ng P1 million? Wala akong assurance kung ilalabas ba nila ‘yung video or what.

Boy then asked Vhong about the video.

“Siguro ‘yung video okay na po ‘yun. Kanila na po ‘yun.

“Ang video po na ito na nakita na binaboy ako from sa ari ko, sa private part ko, pinakita nila na medyo baboy na, at the same time ‘yung video ko na sinasabi na ako si Vhong Navarro at ni-rape ko ang kaibigan ko. Pang-blackmail nila sa akin. Walang akong video na nakikipagtalik dahil hindi nangyari na nakipagtalik ako sa kanya.

Boy asked Vhong about the lessons that he learned from the incident.

“Siguro huwag tayo magtitiwala kahit kanino kasi hindi natin alam kung sino ang mabuti at hindi.

“Sana magkaroon ng hustisya ito dahil ayaw ko na pong maulit ito sa akin or kahit kanino lalo na sa mga ordinaryong tao. Kung nagawa sa akin, pwedeng mangyari sa kanila.

His final words:

“Sa mga sumusuporta po sa akin, salamat po muna sa lahat ng mga dasal niyo na hanggang ngayon po ay nagiging okay po ang aking kalagayan. Salamat po.

“At alam ko sa inyong hindi naniniwala, gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi po ako rapist. Hindi ko po magagawa ‘yun. May takot ako sa Diyos. Kung mayroon man akong kasalanan, isa lang po yun. Sa girlfriend ko.

Sobrang pagpapasalamat ko dahil ito ‘yung sinasabi kong pinaka-down ako sa buhay na talagang hindi niya ako pinabayaan. Hindi niya muna inisip ‘yung sarili niya kung ano mararamdaman niya, kung ano ang reaction niya kasi siyempre pumunta ako. Ang iniisip niya ako pa rin

“Sobra po akong humingi ng tawad na sana bigyan pa niya ako ng chance. Gusto ko lang sabihin sa kanya na hindi ako rapist. Hindi ko magagawa ‘yun Tito Boy.

“Kaya ako humaharap dito dahil gusto ko pong sabihin ang totoo. Hindi ko mahilig magpa-interview kahit po sa mga anak ko, sa mga nangyayari sa buhay ko. Napaka-private ko. Never ko inamin na may girlfriend ako before pero sinasabi ko meron.

“Hindi ako mahilig magpa-interview pero this time, alam ko po ang totoo. Gusto ko itong sabihin at ayaw ko po maulit uli ito. Ayaw ko mangyari ito sa iba.”

Watch the full interview here:

Vhong Interview

24 Comments on Vhong Navarro – ‘Buzz ng Bayan’ Interview Transcript and Video

  1. ariella dancel // November 7, 2015 at 11:47 pm //

    loko yan c dnce

  2. bhoxzsarah33@yahoo.com // July 22, 2014 at 4:24 pm //

    kua vhong musta na po kau jan sana po gumaling po kau at sana po lumakas ang loob ninyo kasi po nanjan po ang panginoon at aalagaan po kau god less you po at pabati na rin po sa aken ako nga po pala si cherry ann melendres from antipolo imelda city good bless you po i love you po o much

  3. Anonymous // July 18, 2014 at 12:08 pm //

    VHONG KUMUSGA

  4. Anonymous // March 25, 2014 at 4:31 pm //

    yot ka

  5. our idol have a strong case

  6. miss simple94 // February 3, 2014 at 9:08 pm //

    may pa kuya kuya pang nalalaman ton c deniece kng god fearng ka . mag sabi ka nang totoo ang galing n acting mo sa t v. nkakaiyak sinungaling.. sinungaling ka!!!

  7. Justice for Vhong Navarro! God saw everything! Naniniwala ako kay Vhong… Kitang kita naman sa cctv na pinakita ng nbi na si Vhong ang nag sasabi ng totoo.

    Ang malanding sinungaling na peke ang mukhang si Deniece Cornejo ang pasimuno nito. Sigurado akong kabit yan ni Cedric Lee. Sana makulong yan tarantadang babaeng yan! Pag namatay ka Deniece, dun ka re-rapin ni satanas sa impyerno! Nakakahiya ka! Gawa gawa ang kwento mo! Peke!!!!

    Para naman kay Cedric Lee, Bernice Lee, at grupo nila, mga sinungaling! Mga duwag! Kampon kayo ng demonyo! Manalangin kayo na hindi yan mangyari sa pamikya nyo dahil napaka sakit nyan sa pamilya at kaibigan ni vhong! Halatang nag gawa gawa lang din ng kwento si Cedric. How pathetic! Mag imbento ka na lang, hindi pa maka totohanan! Nako, malamang di kayo nakakatulog sa gabi sa takot dahil malapit na kayong makulong!

    Vhong, sana gumaling ka na agad. God will heal you I know. Wag kang susuko sa laban! Ikaw na ang panalo dito. Hindi nag wawagi ang kasamaan.

  8. Dapat s cedric na yn ipabugbug dn tulad nng gnawa nla ky vhong, mga hayop wlang kwentang pg katao

  9. Makatanga ka kc wagas! Justice na Lang sa
    Walang kasalanan (victim) whoever it is!

  10. Horla,,,Pilipina ka b? Sure ka na Kaya mo pagkatiwalaan ang mga police ng bands esp in that particular situation… analyze din kc pag may time!

  11. tanga pala yang c vhong nsa presinto n hinde pa nagsalita kung wla cya kasalanan dapat pinahuli n nya may pulis n guilty lang cya

  12. Justice for vhong!
    Oo nagkamali sya, and he admit it. Alam nya kung ano yung mali nya. And dun sa grupo na gumawa nyan sa kanya? I just hope na kahit konting kunsensya meron sila. di porket malakas at maimpluwensya kayo wala ng mangangahas na labanan kayo. nasa industriyang tao nga nagawa nila yung ganito what more sa mga simpleng tao.

  13. Khit ano pa ang ngwang kasalanan n vhong hndi prn tama nah bugbugin xa at mrami pa cla…kung hayop c vhong mas hayop ung cedric lee nyan…pati yang dennise na yn,humingi pa nang pera…wla ba ka kayong matinong pamilya

  14. >> about life // January 27, 2014 at 9:54 am //

    Lesson learn…..,,but I pray for Vhong,,I hope justice well come,,and for the gurl???OMG 22 years old? are you a prostitute?..

  15. Anonymous // January 27, 2014 at 9:22 am //

    mga tao wla silbi s mundo ang gumawa non ky vhong navarro, dpt lng mkulong ang mga taong un, mbuti tao c vhong

  16. Anonymous // January 27, 2014 at 4:16 am //

    ang walang magawa sa buhay ..walang maisip na matino,,sana mabigyan ng hustisya,,,

  17. SUNSHINE AGUINALDO // January 26, 2014 at 11:19 pm //

    LETS PRAY FOR JUSTICE AND THE RECOVERY OF MR. VHONG NAVARRO …

    GOD BLESS EVERYONE ….

  18. sabi ni vhong nagsimula sa 200k tas 500k tas 1 milyon tas naging 2 milyon.. ngayon kung plano nung cedric yun dapat stick to 2milyon di ba ! tsaka imposible n modus dahil hinde consistent ang price n hinihingi…. yun babae nasa condo ng the fort 1 milyon lng at ilalantad nila yung mukha nila kay vhong bakit hindi sila nagbonnet… yun pagblotter ay ginawa kagad dahil attempted rape yun… karapatan ng tao yun laban sa mapangabuso… kilalanin muna si vhong hindi lng dahil napapanuod nyo sya sa tv lagi eh yun na ugali nya…

  19. Yan ang napapala ng mahilig kagaya nung kumaribal kay Chavit…

  20. Ganda nama masyado nung ipinain kay Vhong pra hindi makatangi. Tama physical assault with extortion ang case nyan. Dapat dyan pagbabarilin ang gumawa nyn kay Vhong.

  21. i think nirape si vhong ng mga lalake. wawa naman…

  22. pro tingin ko nito, since BF ni Denise si Cedrick na isang maimpluwensyang tao sa lipunan, nalaman niya ang nangyaring flirting nila Vhong at Denise. then nung inimbita niya si vhong, kaya nalaman nung cedrick pagpunta ni vhong dun kc na WIRETAP ang cp nung denise. na hindi rin alam nung girl. na kaya ata sabi nung girl na NABIGLA KUNO XA sa pagpunta ni Vhong dahil bago dumating si vhong, dumating na sina Cedrick sa condo at wala ng nagawa ang girl

  23. Mga siraulo para lang sa pera gagawa ng kahayopan! Dapat lang makulong yang malanding Deniece at hayop na Cedric na yan! Ayaw mo ung ginawa sayo tapos ininvite mo ulit? Baka nasarapan ka? E nakitang mong mapagkakaperahan ung lalake kaya binaboy nyo! Justice for Vhong! Ipakulong na yang mga hayop na yan!! Mga demonyo din!

  24. sabi ko na nga ba eh, familiar ang name na CEDRICK LEE pagkabasa ko kanina… naalala ko an bf at tatay ng anak ni Vina Morales

Leave a comment

Your email address will not be published.