Breaking

Meet the Characters of TV5’s ‘Confessions of a Torpe’

Get to know the characters of new primetime series "Confessions of a Torpe," a romantic sitcom about love and the many ways we try to express it...or not!

Tupe Catacutan (Ogie Alcasid)

Ogie Alcasid (Past)

No girlfriend since birth ang 40-year old torpe na si Tupe. Lumaki kasi sa overprotective na ina at binubully pa nung high school. Pero muling magugulo ang kanyang mundo sa pagdating ng kanyang torpe ring pamangkin na si Hanley… at sa muling pagbabalik ng kanyang high school dreamgirl na si Monique!

 

Hanley Kubrick (Mark Neumann)

Mark Neumann

Si Hanley ang pamangkin ni Tupe na lumaki sa Croatia, pero sa kasamaang-palad ay namana niya pa rin ang sumpang katorpehan ng mga Catacutan. Ipapadala siya sa Pilipinas kung saan makakasama niya ang torpeng tito na si Tupe, at mabibighani sa magandang pamangkin ni Luz na si Lovely!

 

Monique Salcedo (Alice Dixson)

Alice Dixson (Past)

High school pa lang, si Monique na ang crush ng bayan. Dahil maganda, matalino, at mabait, she’s the girl every boy loves and whom every girl secretly hates. Ang kanyang pagbabalik mula Amerika ten years after high school graduation ang bubulabog sa mundo ng ating torpe!

 

Luzviminda “Luz” Mabuti (Gelli De Belen)

Gelli De Belen (Past)

Si Luz ang valedictorian ng kanilang batch nina Tupe at Monique. Biniyayaan siya ng sobrang talino, pero unfortunately, hindi ng kagandahan. Ang tanging lalakeng mabait sa kanya ay ang kapitbahay at kababata na si Tupe… na kanyang secret love.

 

Adonis Panti (Bayani Agbayani)

Bayani Agbayani (Past)

Si Adonis ang isa sa life-long bestfriends ni Tupe. Pero kung anong torpe ni Tupe, siya namang tapang ng apog ni Adonis! Magaganda lang ang nililigawan niya, kahit forever rejected, dahil ang katwiran niya: at least maganda ang nambasted, kaysa pangit na nga, olats pa rin!

 

Santo Luis (Jojo Alejar)

Jojo Alejar (Past)

Si Santo ang other half ng loser combo na laging kasama ni Tupe. Pero kung anong ikinabuti ng pangalan niya, siya namang pagka-nega niya sa buhay! Pero kung kaibigan na totoo ang hanap mo, si Santo ang para sa ‘yo!

 

Lovely Mabuti (Shaira Mae)

Shaira Mae

True to her name, maganda na nga, mabait pa ang pamangkin ni Luz! Kung si Monique ang heartthrob noon, si Lovely naman ang campus crush ngayon. Kaya di nakakagulat na siya ang pupukaw sa torpeng puso ni Hanley!

 

Peter Malaqui (Wendell Ramos)

Wendell Ramos (Past)

Si Peter ang number one bully sa buhay ni Tupe noong high school… at ngayon ay boss rin ng ating torpeng bida sa pinapasukan nitong architecture firm. Sa pagbabalik ni Monique, siya ang rin magiging matinding karibal ni Tupe!

 

Albie Casino as Jack:

Albie Casino v.1

“Confessions of a Torpe” airs from Monday to Friday, 7:30pm on TV5 beginning March 3, 2013.

1 Comment on Meet the Characters of TV5’s ‘Confessions of a Torpe’

  1. TUTTI FRUTTI // March 2, 2014 at 10:50 pm //

    BUTI ME PROJECT SI ALBIE …

    SANA HE WILL GIVE .. ALIMONY..

    TO HIS DAUGHTER ..

    KARMA IS DIGITAL AND QUAD CORE …

    GOD BLESS EVERYONE …

Leave a comment

Your email address will not be published.