Breaking

Book Cover Premiere: ‘Saranghae, My Hero’

Saranghae Poster
Lifebooks has revealed the official book cover image of its upcoming pop novel release: “Saranghae, My Hero” by Kylie Alexandria.

Saranghae-LORES

Here’s the teaser from the back cover of the book:

Tahimik at simple lamang ang buhay noon ni Kim, kuntento na siya sa pagiging estudyante. Panay bahay at aral lamang ang pinagkakaabahalan niya at masasabi niyang doon siya masaya.

Pero biglang nagbago ang takbo ng buhay niya simula nang ipagtanggol ang nakababatang pinsan mula sa isang gulo na kinasangkutan nito. Naglakas loob siyang sugurin ang isang lumang bodega kung saan naroon ang pinsang sasagipin niya pero mukhang pati siya ay nalagay na rin sa paganib.

Isang napakagwapo at singkit na Koreanong si Jace Kim ang naabutan niya roon habang buong tapang na nakikipagsuntukan sa mga kalaban. Sa unang pagtama pa lamang ng mga mata nila ay aminado siyang saglit na nag-fast forward ang lahat sa paligid niya. Sa isang iglap ay nakuha ng binata nang buong-buo
ang atensiyon at puso niya.

Magmula noon ay madalas na niya itong kasama. Ito ang nagsilbing kaibigan, bodyguard at kakampi niya. Sa pagaakalang magiging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Jace ay hinayaan niya ang sarili na mahulog dito. Pero kung kailan naman dumating ang oras kung saan inamin na niya sa sarili na mahal niya ito ay saka naman siya may natuklasan sa totoong pagkatao nito. Isang masakit na katotohanan na mahihirapan siyang tanggapin lalo pa at may kinalaman iyon sa kanyang nakaraan.

Ngayong alam na niya ang lahat ay papaano pa niya hahayaan ang sariling mahalin si Jace? Papaano niya ito hahayaang lumapit sa kanya nang hindi siya nasasaktan?

This April, “Saranghae, My Hero” will be available in all branches of National Bookstore (under Philippine Fiction category), Powerbooks, Pandayan Bookshop, and Fully Booked nationwide. For other kilig books, follow Lifebooks on Facebook (www.facebook.com/LifebooksPH) and Twitter (www.twitter.com/LifebooksPub).

1 Comment on Book Cover Premiere: ‘Saranghae, My Hero’

  1. hahahhahahhahahahahha

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares