Breaking

‘Wattpad Presents My Chinito’ – Trailer

My Chinito TV5

Naaalala mo pa ba ang kilig na dulot ng iyong first love? Naaalala mo pa ba kung paano ka binigyan nito ng sari-saring nakababaliw na emosyon na hindi mo maintindihan?

Si Lyra, isang estudyanteng punong –puno ng pangarap kaya’t nang makatagpo niya ang lalaking nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam ay naglagay siya ng mga patakaran bago siya p’wedeng magkanobyo. Ang mapasalamatan ang kanyang namatay na ama, ang makasalo ng shooting star, makatikim ng snow sa Pilipinas, maranasan ang buhay ni Cinderella at makakita ng gabing higit sa iisa lamang ang buwan. Posible kaya sa ating Chinitong si Richard na matupad ang mga imposibleng hiling ng dalaga?

Samahan si Lyra at si Richard sa kwento na dadalhin kayo sa mga alala ng inyong unang pag-ibig at kikilitiin muli ang inyong mga manhid na puso.

Don’t miss this “kilig” story brought to life by Dae Hyuk Lee and Isabelle de Leon on WATTPAD PRESENTS “My Chinito”, airing Monday to Friday, from September 14 to 18, 2015 at 9pm on TV5.

1 Comment on ‘Wattpad Presents My Chinito’ – Trailer

  1. jannah fatimah l. samud // September 19, 2015 at 8:26 am //

    nakakakilig talaga ang “my chinito” sosow kilig talaga parang napapa dove smush tuloy ako

Leave a comment

Your email address will not be published.