Breaking

‘Tubig at Langis’ Production Team Releases Statement on Cristine Reyes-Vivian Velez Feud

Nang magsimula ang produksyon ng “Tubig at Langis” noong Oktubre 2015 hanggang sa umere ito noong nakaraang buwan ay naging maayos ang lahat sa set ng programa. Maayos na nagtatrabaho ang bawat isa, mula sa cast, crew, at staff, kaya naman maganda ang kinalalabasan ng bawat episode.

Noong nakaraang linggo lamang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa taping ng serye sa pagitan ng lead star nito na si Cristine Reyes at veteran actress na Vivian Velez. Narinig na ng karamihan ang panig ni Vivian ngunit may isang punto lang na may kaugnayan sa nangyari sa dressing room ang nais linawin ng programa.

Hindi totoong pinaalis ni Cristine si Vivian sa dressing room. Nagkaroon lamang ng miscommunication at inaako ng production team ang responsibilidad dito. Sa katunayan, walang problema ang staff sa work ethics ni Cristine at maayos itong nakikisama sa lahat ng katrabaho niya. Humingi na kami ng paumanhin kina Cristine at Vivian kaugnay nito.

READ: Cristine Reyes Attacks Sarah Geronimo on Twitter

Ikinalulungkot namin ang pangyayaring ito sa masayang pamilya na nabuo namin sa “Tubig at Langis.” Naipaliwanag na namin ang aming panig sa dalawang aktres at umaasa kaming matapos na ang isyu sa maayos at magandang paraan.

Sa kabila nito, makakaasa pa rin ang aming manonood na patuloy kaming magsisikap para magbigay ng makabuluhan at napapanahong kwento sa aming programang “Tubig at Langis.”

Press Statement

2 Comments on ‘Tubig at Langis’ Production Team Releases Statement on Cristine Reyes-Vivian Velez Feud

  1. anonymous // March 14, 2016 at 9:35 pm //

    hoy warfreak, pakialaman mo sarili mo…may mapapala ka ba sa pakialam mo sa kwento ng ibang tao? wala di ba? hindi ka rin yumaman, kaya kung ako ikaw, magpakamatay ka na lang.

  2. nasaan ang hustisya kapalmilyakis…di kayo maka salita sa mga stars nyo….yan ang plastic may kinikilingan..kahit totoo naman…pilit tinatago ang mga mabahong kuwento

Leave a comment

Your email address will not be published.