Breaking

Star Magic Celebrates Silver Anniversary on ‘ASAP’

Samahan ang pinakamalalaki at pinakamaniningning na mga bituin sa showbiz sa pagdiriwang ng Star Magic ng ika-25 taon nito sa espesyal na two-part episode ng “ASAP” sa Araneta Coliseum simula ngayong Linggo (May 21) with over 100 stars.


Pangungunahan ni ng premyadong Star Magic artists na sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales at Piolo Pascual. Kasama rin ang biggest love teams ngayon na sina Liza Soberano at Enrique Gil, Janella Salvador at Elmo Magalona, Julia Barretto at Joshua Garcia, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Huwag rin palampasin ang mga hinandang performances, sa muling reunion ng “ASAP I.G.,” at ang inaabangang “ASAP BFF5” na sina Maris Racal, Andrea Brillantes, Ylona Garcia, Kira Balinger at Loisa Andalio.

Tiyak iinit ang “ASAP” stage sa kinahuhumalingang Star Magic leading men ng iba’t ibang henerasyon.

Isang nagliliyab na sopresa ang hatid ng “ASAP” Coverboys, kasama ang iba pang hottest and sexiest Star Magic stars. Pati ang mga bida ng “Ikaw Lang Ang Iibigin” na sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Ibabahagi naman nina Pokwang, Maymay Entrata, at Alora Sasam ang kani-kanilang buhay sa “ASAP” LSS at bibigyang musika naman ito ng most talented Star Magic teens at young artists, kasama sina Angeline Quinto, Yeng Constantino, at Jolina Magdangal.

Abangan rin ang pinakapaborito ninyong Star Magic kids at new generation love teams Nash Aguas at Alexa Ilacad, Grae Fernandez at Andrea Brillantes, Bailey May at Ylona Garcia, Mccoy De Leon at Elisse Joson, kasama ang bida ng “Wildflower” na si Maja Salvador sa isang pasabog na hatawan.

Samantala, makitawa naman sa mga komedyante ng Star Magic sa isang one-of-a-kind comedy treat samantalang makikisaya din ang ex-housemates ng PBB na sina Loisa Andalio, Jameson Blake, Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, at Marco Gallo.

Isang world-class Broadway performance naman ang handog ng mga sikat na mang-aawit ng bansa!

Kasama rin sa kasiyahan ang mga paborito ninyong ASAP star na si Toni Gonzaga! Performances from the ASAP Birit Queens, R&B Royalties ng ASAP Soul Sessions, BoybandPH, and Sarah G. plus opm icons Gary V and Zsazsa Padilla! At many more surprises!

Huwag palalampasin ang unang bahagi ng “ASAP presents Star Magic 25th Anniversary Party” ngayong Linggo (May 21), 11:30am, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kayasaskyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPStarMagic25.

2 Comments on Star Magic Celebrates Silver Anniversary on ‘ASAP’

  1. bluebird // May 23, 2017 at 4:00 pm //

    I’m amaze with fresh beautiful face of PBB KISSES DELAVIN!

  2. Anonymous // May 22, 2017 at 4:22 pm //

    Sana agad nman pong magkaroon ng project together si julia at joshua sa teleserye at sa big screen hindi yung ipapartner siya kay janella.

Leave a comment

Your email address will not be published.