Breaking

Alden Richards Remains Faithful to Maine Mendoza

Photo Credit: @mainedcm

From GMA News:

Sa kabila ng mga intriga sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza, nananatiling matatag ang “AlDub” love team na ipinagdiwang nitong Sabado ang kanilang ikalawang taong anibersaryo sa “Eat Bulaga”

Sa ulat ni Rose Garcia na nalathala sa PEP kamakailan, sinabi ni Alden na hindi na niya pinapatulan ang mga nang-iintriga sa tambalan nila ni Maine.

Sinabi ng binata na malaki ang tiwala niya kay Maine, at idineklara naman niya na tapat siya sa dalaga.

“Sa tagal, sa dami at sa lalim ng pinagsamahan at pinagdaanan namin ni Maine ay hindi ko na pinapansin ang mga ganitong bagay. At saka, malaki ang tiwala ko kay Maine,” lahad ni Alden

“Faithful po ako kay Maine,” tugon naman niya sa mga intrigang iniuugnay siya sa ibang babae.

Nauna nang iniulat na muli silang gagawa ng pelikula ni Maine at may gagawin din concert.

Ar sa lahat ng biyaya na kaniyang natatanggap, patuloy at hindi kinakalimutan ni Alden na pasalamatan ang ‘Eat Bulaga,’ ang GMA, si Maine, ang fans at supporters, at ang Panginoon.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares