Breaking

Edward Will Never Get Tired Defending Maymay


Repost from ABS-CBN News:

Kilig to the highest level ang fans ng Mayward tandem sa latest interview ng dalawa.

Unang sinagot ni Edward Barber ang naging pagtatanggol niya kay Maymay Entrata sa bashers sa social media.

Sabi ni Edward, walang katapusan niyang ipagtatanggol si Maymay kung kinakailangan.

“As long as I’m here, I’m not going to stop. As long as she needs my help, I’ll be there. If someone is attacking her, I will be there defending her,” ani Edward.

Hindi naman maitago ang kilig na reaksiyon ni Maymay sa ipinakitang concern ni Edward sa kanya.

“I’m feeling important. Talagang masaya po ako dahil isa siya sa talagang malapit sa akin,” aniya.

Natapos na rin ang teaser ng una nilang pelikula na “Loving In Tandem.”

Ayon kay Maymay, mahirap na masaya ang kanilang naging experience sa una nilang pelikula.

“First time po naming makita ang sarili namin sa movie, sa malaking screen, tapos parang kasi ito na po ang pinakamahirap na pinagdaanan namin. Mahirap gumawa ng movie, ‘yung acting-acting,” ani Maymay.

Wish ni Edward na sana ay magustuhan ng Mayward fans ang “Loving In Tandem” dahil ginagalingan nila ang bawat eksena.

“You will cry. Sana, you’ll be happy, kilig, lahat,” ani Edward.

Inaabangan na ngayon ang pagpapalabas ng “Loving In Tamdem” at looking forward na sina Edward at Maymay sa kaliwa’t kanang promotions nito.

Leave a comment

Your email address will not be published.