Breaking

WATCH: ‘Bagani’ Full Pilot Episode

ABS-CBN uploaded the first full episode of “Bagani” on YouTube, check it out!

Agad na nabighani ang sambayanan sa pinakabagong fantaserye ng ABS-CBN na “Bagani” na pinagbibidahan nina Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales, at Enrique Gil matapos manguna sa national TV ratings ang pilot episode nito noong Lunes (Marso 5) ng gabi.

Pumalo ang serye ng national TV rating na 35.5% nationwide o higit sa doble ng nakuha ng kalaban nitong “Kambal, Karibal” na 15.4%, ayon sa datos mula sa Kantar Media.

Bukod sa ratings, naging patok din ito agad sa social media matapos mapasama sa listahan ng worldwide trending topics sa Twitter ang official hashtag nitong #UnangSabakngBagani.

Todo papuri ang fans sa production value ng palabas at kinumpara pa ito sa mga kinagigiliwang foreign series na “Star Wars” at “Game of Thrones.”

Sa pagpapatuloy ng kwento, sundan ang istorya ng iba pang mga Bagani na sina Ganda (Liza), Lakam (Matteo), Dumakulem (Makisig), at Mayari (Sofia) na katulad ni Lakas ay nagtataglay rin ng natatanging kakayahan at may mabuting puso na handang isakripisyo ang sarili para sa iba.

Watch the pilot episode below:

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares