Breaking

Hit Family Drama ‘Tanging Yaman’ Tampok sa SKYdirect Free View Lenten Special

Pangungunahan ng “Tanging Yaman,” ang classic hit tungkol sa isang pamilyang nabuong muli para sa kanila ina ang mapapanood sa SKYdirect Free View sa Semana Santa ngayong buwan ng Marso.

Kailangang magkaisa ng tatlong magkakapatid na matagal nang nagkahiwalay ng landas para sa kanilang ina na nagkaroon ng Alzheimer’s. Puno ng mga kilala at mahuhusay na artista ang cast, sa pangunguna ni Gloria Romero na tumayong ina ng kanilang pamilya. Gumanap bilang mga anak niya sina Johnny Delgado, Edu Manzano, at Dina Bonnevie.

Umani ng parangal ang “Tanging Yaman” sa Metro Manila Film Festival noong 2000. Kabilang na rito ang Best Picture, Best Director para kay Laurice Guillen, Best Actress para kay Gloria Romero, Best Actor para kay Johnny Delgado, Best Screenplay para kila Laurice Guillen, Shaira Mella Salvador, at Raymond Lee. Nasungkit din nito ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award na iginagawad sa mga pelikulang nagpapakita ng mga katanginang Pilipino.

Mapapanood din ang 90’s classic na “Sarah, ang Munting Prinsesa” na pinagbidahan ni Camille Prats. Tungkol ito sa isang herederang naulila nang maaga at nakaranas ng kalupitan sa kamay ng isang guro nang akalaing wala nang aasahan sa buhay  ang bata matapos mawalan ng ama. Matapos mahanap ng mga kaibigan ng yumaong ama, nagbalik siya sa kaniyang dating buhay at nakapagbigay rin ito ng mas magandang kinabukasan sa kaniyang mga bagong kaibigan.

Kumukumpleto sa pang-Semana Santang handog ng SKYdirect Free View ang “Dekada 70.” Ikinukuwento nito ang epekto ng Martial Law sa isang pamilya matapos maranasan ng mga miyembro ito sa iba’t-ibang paraan. Bida ang ilang award-winning na actor gaya nina Piolo Pascual, Christopher De Leon, at Vilma Santos.

Maaaring mapanood ng mga SKYdirect prepaid subscribers na may minimum load na P99 at ng mga active na postpaid subscriber ang mga pelikulang ito nang libre sa channel 28.

Wala pang SKYdirect? Magpunta lamang sa www.mysky.com.ph/skydirect para sa karadagang impormasyo o i-text ang SKY sa 23668 para bumili.

Ang SKYdirect ang direct-to-home service ng SKY na nagbibigay sa mga pamilyang Pilipino sa buong bansa ng access sa malawak na channel lineup at may layuning patatagin ang samahan ng pamilya. Ito ang pinakasulit na HD Cable TV na may plans simula sa P99 buwan-buwan. SKY ang cable at broadband unit ng ABS-CBN.

 

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

1 Comment on Hit Family Drama ‘Tanging Yaman’ Tampok sa SKYdirect Free View Lenten Special

  1. Saan po pwede makabili ng DVD ng Tanging Yaman, Sayo Lamang, Seven Sundays at Magnifico? Mukhang outnof stock na sa mga bilihan sa mga malls e

Leave a comment

Your email address will not be published.