Breaking

Top 10 Philippine TV Programs in February

Katulad noong Enero, siyam na Kapamilya programs ang pasok sa listahan ng top ten most watched shows nationwide na pinapangunahan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na nakakuha ng 42.3% dahil sa maganda at napapanahon nitong kwento kahit na may bago itong kalabang programa.

Sinundan ito ng “TV Patrol” (31.3%) na naghatid ng mahahalagang balita. Samantala, hindi pa rin natitinag ang “World of Dance Philippines” (31.3%) bilang pinakapinapanood na weekend program sa bansa.

Patuloy ring tinatangkilik ang “The General’s Daughter” (30.6%), habang ang mga makabuluhan na episodes ng “Maalaala Mo Kaya” (25.1%) na kapupulutan ng aral ay tinutukan ng viewers.

Maraming viewers din ang kumakapit tuwing weekend sa episodes ng “Home Sweetie Home Walang Kapares” (22.9%) at “Wansapanataym” (22.7%) noong Pebrero, habang marami pa rin ang naaakit na viewers sa late night favorite show na “Halik” (22.3%). Samantala, unang beses naman pumasok sa top 10 ngayong 2019 ang “Rated K Handa Na Ba Kayo” (21.6%).

Samantala, pumanglima naman ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” na nakakuha ng 27.2% Ito lang ang kaisa-isang programa mula sa GMA Network na nakapasok sa Top 10.

2 Comments on Top 10 Philippine TV Programs in February

  1. Abias CBN talaga pati survey dinadaya

  2. Anonymous // March 14, 2019 at 1:53 am //

    Nga nga kamuning alagaan nyo c jessica bka mawala na kyo.😅😅😅

Leave a comment

Your email address will not be published.