Breaking

ABS-CBN TVplus To Give Away 3 Houses and Lot and Other Prizes this Year

Maswerteng mabibiyayaan na naman ng bahay at lupa ang ilang manonood ng ABS-CBN TVplus bilang pasasalamat sa lahat ng tumatangkilik sa ‘mahiwagang black box’ matapos makabenta ang ABS-CBN ng 7 milyong TVplus box.

Tatlong TVplus users ang maaring magkaroon ng bagong house and lot mula sa Vista Land ngayong taon kapag sumali sa “Masaganang Pa-Thank You Year 2” promo na magsisimula ngayong Abril.

Bukod sa tatlong house and lot, mamimigay din ang ABS-CBN TVplus ng 1,200 MyPhone MyA11 units para may bagong smartphone ang pamilya, 120 Panasonic 32” LED Television para sama-samang manood ng palabas ang buong pamilya, 90 Boardwalk Negosyo Kit worth P4,000 each na bagong pangkabuhayan showcase, 72 Octagon Gadget Gift Certificates worth P5,000 each, at 15 ABS-CBN TVplus box na may kalakip na 1-year free access to KBO.

Kailangan lamang mag-register via text ang lahat ng nais magkaroon ng bagong bahay, TV, gadget, at negosyo. Para sumali sa promo, i-text ang JOIN //

at i-send sa 2366 (open to all mobile networks). Isang beses lamang pwedeng i-rehistro ang TVplus box ID or hanggang tatlong TVplus box ID ang maaring i-rehistro sa isang SIM. Magaganap naman ang raffle draw sa mga araw ng April 30, May 31, at July 1, 2019. Bukas ang promo sa lahat ng TVplus box users (new or existing).

Noong 2018, isang driver at kusinerong naging biktima ng sunog ang mapalad na nabigyan ng ABS-CBN TVplus ng bagong house and lot.

Ang ABS-CBN na nagtra-transition ngayon para maging isang digital company, ang unang media at entertainment company sa bansa na nag-broadcast ng digital terrestrial television (DTT) gamit ang ABS-CBN TVplus para mabago ang panonood ng TV ng maraming Pilipino.

Kabilang sa signal coverage areas ng ABS-CBN TVplus ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, at Batangas.

12 Comments on ABS-CBN TVplus To Give Away 3 Houses and Lot and Other Prizes this Year

  1. Agnes Fabro // August 27, 2019 at 4:51 pm //

    Who won in the latest draw? May I have the list of winners?

  2. Henry Gantang // July 9, 2019 at 6:57 pm //

    Saan po pedeng makita mga nanalo Ng July 1 2019

  3. Jeric edoria // July 5, 2019 at 7:48 am //

    Pano po malalaman yung mga nanalo ng july 1 2019

  4. Wennelito Dada // July 2, 2019 at 12:41 pm //

    Panu po malalaman kung nanalo kami o wala?

  5. good day po ask ko lang po sana paano po namin malalaman yung list ng mga nanalo sa draw? salamat po

  6. gemmarie vailoces // June 26, 2019 at 5:35 pm //

    hello po pano po malalaman kung sino nanalo sa house and lot po.

  7. Anonymous // June 8, 2019 at 9:27 pm //

    Paano mo mlaman kung sino sino amg nanalo sa raffle nto

  8. Anonymous // June 5, 2019 at 11:10 am //

    May list na po ba ng winners sa 2nd draw?

  9. Anonymous // May 14, 2019 at 7:57 am //

    San po pwede e claime ang napanalunan

  10. Anonymous // May 7, 2019 at 9:57 pm //

    May i ask if cno2 na yung mga winners sa first draw ng abs cbn tvplus year 3??

  11. Anonymous // May 6, 2019 at 1:38 pm //

    Saan at paano pa mllaman ang nanalo na sa 1st draw?

  12. Jonafil intano // May 1, 2019 at 9:36 am //

    Paano mo Malaman Kung SINO Manalo… sa draw

Leave a comment

Your email address will not be published.