Breaking

Top 10 Most-Watched Programs Nationwide in August

Tinututukan pa rin ng buong sambayanan ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (35.8%) na hawak pa rin ang titulo bilang pinakapinapanood na show nationwide sa apat na taon nito sa telebisyon. Tulad ng ‘Probinsyano,’ paboritong weekend show naman ng viewers ang nagbalik-telebisyon na “The Voice Kids” (35.5%).

Marami rin ang hindi bumibitaw sa aksyon at dramang hatid ng “The General’s Daughter” (30.9%) gabi-gabi, habang pinatunayan ng weekend shows na “Hiwaga ng Kambat” (30.6%) at “Maalaala Mo Kaya” (30.2%) na malapit sa puso ng mga Pinoy ang mga programang may kapupulutan ng aral.

Kinumpleto naman ng “TV Patrol” (28.1%), “Home Sweetie Home: Extra Sweet” (24.2%), “Kadenang Ginto” (22.7%), at “The Killer Bride” (22.5%), na pumasok agad sa top 10 ang listahan ng pinakapinapanood na TV shows nationwide.

MOST WATCHED REGULARLY AIRING PROGRAMS IN AUGUST 2019 IN NATIONAL URBAN AND RURAL HOMES (EXCLUDING SPECIALS)

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares