Breaking

Fangirl Meets Superman – Alternate Ending 1/3

This is the alternative ending of the fan fiction “Fan Girl Meets Superman” beginning from Chapter 9:

Fan-Girl-Image

CHAPTER NINE

“Chloe, tapos ka na ba sa Sach Sentence Completion Test mo? Patingin naman ako ng synthesis mo at gagawin ko lang guide para sa sarili kong synthesis,” si April iyon. Kasalukuyan silang nag o-overnight sa bahay nina Claire para tapusin ang mga school projects nila dahil deadline na niyon sa susunod na linggo. Saglit na lumabas si Claire para bumili ng maaari nilang kainin habang nagkakanya-kanya sila ng trabaho.

“Kokopyahin ko na lang sa flash drive mo at diyan mo na lang tignan sa laptop mo.
Kailangan ko pang tapusin iyong interpretation ko ng House-Tree-Person Test ko at gagawan ko pa din ‘yun ng synthesis.”

“Mabuti ka nga at marami ka nang natatapos. Ako, halos hindi pa ako nangangalahati sa pag e-enterpret ng walong Psychological test na ginagamit natin. Nakakaloka naman kasi si Ma’am Lot.”

“Kaya nga, eh. Pero in fairness, na e-enjoy ko itong ginagawa natin. Andami kong natututunan.”

Napalatak ito. “Asus! Paano ba namang hindi ka mag e-enjoy, eh, si Kimpoy lang naman ang ginawa mong subject. ‘Yan tuloy, andami mong bagay na nalaman tungkol sa kanya. Wala na yatang nailihim iyong tao sa iyo.”

“True!” sang-ayon niya sa sinabi nito.

Pinakiusapan niya ang binata na kung maaari ay ito na lang ang gawin niyang subject para sa case study na gagawin niya na siya namang final requirement niya para sa isang major subject. Agad namang pumayag ang binata. In between his hectic schedule ay nag administer siya dito ng walong Psychological exam na kailangan niyang i-present kay Dr. Lucia dela Cruz sa darating na Lunes.

Patayo na sana siya para saglit na magtungo sa banyo nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Mabuti na lang ay nakahawak siya sa armrest ng sofa at mabilis na naagapan siya ni April kaya hindi siya tuluyang natumba.

“Chloe, are you okay? You looked pale,” nag-aalala ang anyo ng kaibigan niya.
“I’m okay. Huwag mo akong alalahanin. Dala lang siguro ito ng puyat. Alam mo namang sunod-sunod na araw tayong deprived sa tulog.”

Akmang tatayo ulit siya nang maramdaman niyang muli ang pagkahilo at ang pagsigid ng matinding kirot sa sentido niya. Napadaing siya sa sobrang sakit niyon.
“Oh my God! Chloe, nagdurugo ang ilong mo.” Nang punasan niya ang ilong niya ang nakumpirma niya ang sinabi nito. Masaganang umaagos ang pulang likido sa ilong niya. “I think you should rest, girl.” Inalalayan siya nitong makahiga sa sofa. Maya-maya lang ay dumating na din si Claire. Maging ito ay nataranta nang ikwento dito ni April ang nangyari sa kanya.

“Ano ba naman kayo? Wala ‘to. Dala lang ‘to ng antok. Kapag nakabawi na ako ng tulog, babalik din ang dati kong kulay so stop worrying, guys.”
Pero habang lumalalim ang gabi ay lalo lang bumibigat ang pakiramdam ni Chloe. Pakiramdam niya ay biglang lomobo ang ulo niya dahil sa sobrang bigat niyon. At naroon pa rin ang pagsigid ng kirot sa sentido niya.

Kaya nang dalawin siya ng antok ay hindi na niya iyon nilabanan. Isinantabi na muna niya ang mga school projects niya at pinagbigyan ang sariling matulog ng mahimbing.

PAGMULAT ng mga mata ni Chloe kinabukasan ay si Kimpoy ang una niyang nasilayan. Tahimik na nakaupo ito sa single sofa at marahil ay kanina pa siya nito pinagmamasdan. “Babe, kamusta na ang pakiramdam mo?”

“Medyo okay naman na ako. Kulang lang ako sa tulog kaya parang nahilo ako kagabi,” paliwanag niya dito. “Paano mo nga pala nalamang nandito ako?”
“Tinawagan ako ng mga kaibigan mo at sinabi nila ang nangyari sa iyo. Kagabi pa nga sana ako pupunta dito ang kaso ay mag a-alas tres na nang mag pack-up kami kanina. I’m sorry at hindi agad kita napuntahan, babe.”

“It’s okay. Look, okay naman na ako, ‘di ba?”

“Yeah, you looked okay. So, pwede na ba tayong umalis dito so we can have breakfast together?”

“Of course. Just give me few minutes at ihahanda ko lang ang sarili ko at maging ang mga gamit ko and then we can go.”

Nang tumayo siya ay naramdaman pa niya ang bahagyang panginginig ng kanyang mga tuhod. Pero hindi niya iyon ipinahalata sa kanyang nobyo. Nagtuloy siya sa banyo at mabilisang nag toothbrush at naghilamos. Pagkatapos ay sinimsim niya ang lahat ng mga gamit niya at isinilid sa kanyang bag. Naabutan niyang nag-aagahan ang dalawa niyang kaibigan na sina April at Ciare. Nagpaalam na siya sa mga ito bagama’t inanyayahan sila ni Kimpoy na makisalo na sa mga ito. “Some other time, guys. I’ll just see you at school tomorrow. Bye.”

Nagtuloy sila ng nobyo niyang si Kimpoy sa isang fine dining restaurant. Kakaunti lang mga parokyanong naroroon dahil marahil malapit pa lang mag alas-siyete ng umaga.
“Malapit na ang Valentine’s Day. Anong gusto mong gawin natin sa araw na iyon?” narinig ni Chloe na tanong ni Kimpoy. Tapos na silang mag-agahan at nagpapababa na lang ng kinain nila.

Nagkibit siya ng balikat. “Ikaw? Ayos lang naman sa akin kahit manood lang tayo ng movie pagkatapos ay kakain tayo sa paborito nating restaurant. Then after which, pwede siguro tayong maglakad-lakad sa Bonifacio High Street.”

Tawa nang tawa ang binata sa kanya. “Baka naman may nakalimutan ka pa, babe?” anito at saka hinagkan ang isang kamay niya.

“Oo nga pala, huwag mong kakalimutan ang red roses,” aniya sabay tawa.
Medyo magaan na ang pakiramdam niya nang ihatid siya ng nobyo sa apartment niya.
Bandang tanghali ay nakatulog ulit siya. Nang magising siya ng hapon ay mainit ang pakiramdam niya. Hirap na hirap din siyang bumangon kaya tinawag na lang niya ang pinsan niyang si Randel na fortunately ay nasa bahay pa nang mga sandaling iyon.

“Inaapoy ka ng lagnat, bakla. Dadalhin na ba kita sa hospital?”

Umiling siya. “Dalhan mo na lang ako ng gamot, couz. Itutulog ko lang ulit ‘to.”
Agad namang tumalima ito. Pagbalik nito sa kwarto niya ay bitbit na nito ang isang tray na naglalaman ng sopas, tubig at paracetamol.

“Salamat,” aniya sa pinsan nang matapos siya nitong subuan ng sopas at painumin ng gamot.
“Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo? Kaninang umaga pagkahatid sa iyo ni Kimpoy ay latang-lata ka rin. Ang mabuti pa siguro ay magpatingin ka na sa doktor. Baka kung ano na ‘yan,” suhestiyon nito.

“Hayaan mo, kapag nakaluwag-luwag ako ay magpapatingin ako sa doktor. For now, magpapahinga na muna ako at may tatapusin pa akong case analysis.”

Naramdaman na naman niya ang pamimigat ng talukap ng mga mata niya.

CONTINUED ON PAGE 2

7 Comments on Fangirl Meets Superman – Alternate Ending 1/3

  1. ang ganda nga story

  2. Nakabili na ako ng book nito and I admitt na medyo na bitin ako sa ending ng story 🙁

  3. Christine genoso // October 14, 2017 at 8:37 pm //

    Superduper ganda po ..
    #fangirlingmood
    #kimpoynatics

  4. 😍😍

  5. Ang ganda po ng story nyo super…medyo pabitin e.but over all the story is nice.
    I wish all the best from the author. Ciao.

  6. im a cutie pang8 fangirl // May 28, 2015 at 6:18 pm //

    Good aftie po sa mga fangirl ng “fungirl meets superman” i love u po sa mga characters specially 2 kuya kimpoy at ate chloe!*_*;-)

    Wish u all da lucks

  7. hannah kris anne lazaro // May 28, 2015 at 6:10 pm //

    Woah!^_^…ang ganda ng story n2! Super! I love it….

    Ang ganda ng love team nila! :-)…im happy coz i read dis book!:-)

Leave a comment

Your email address will not be published.