Breaking

Fangirl Meets Superman – Alternate Ending 2/3

Fan Girl Meets Superman Page 2
==============================

February 14

Araw ng mga puso.

Halos lahat ay abala sa paghahanda para sa espesyal na okasyong iyon. Lahat, may kanya-kanyang gimik para mapasaya ang taong minamahal. Ganoon din si Kimpoy. Siniguro niyang libre siya sa araw na ito dahil gusto niyang makasama ang pinakaespesyal na babae sa buhay niya.

Bitbit ang bungkos ng pulang rosas na request ng nobya niyang si Chloe ay sumakay na siya sa kotse niya. Dahan-dahan ang pagmamanehong ginagawa niya. At habang nasa harap siya ng manibela ay hindi niya maiwasang magbalik-tanaw kung paano silang nagkakilala ni Chloe. They had been through ups and downs pero hindi sila bumitaw sa isa’t-isa kahit may mga pagkakataong nararamdaman niyang nahihirapan na si Chloe sa sitwasyon nila.

Nagpapasalamat siya dahil malawak ang pang-unawa ng nobya niya. And that made him love her even more.

Pagka-park niya sa kotse niya sa parking lot ng Makati Med ay nagmamadaling umibis na siya bitbit ang mga rosas. Tiyak ang mga hakbang na naglakad siya papasok sa hospital at tinungo ang elevator. Pinindot niya ang button ng 3rd floor.

Nang marating niya ang kwartong pakay niya ay nakita niyang nakatayo sa labas ng pinto ang mag-asawang Celia at Joseph Salazar – ang mga magulang ni Chloe.

“Tito, tita, bakit nandito po kayo sa labas?” bati niya sa mga ito saka nagmano.

“May kausap pa si Chloe sa loob. Binigyan muna namin sila ng pagkakataong makapag-usap ng masinsinan.”

“Sino po ang kausap ni Chloe?”

“Si John, dating nobyo ni Chloe,” tugon ni Mrs. Salazar.

Napatangu-tango na lang siya. Si John ang dating nobyo ni Chloe na nakagawa dito ng malaking kasalanan. The very same guy na naging dahilan kung bakit muntikan nang mawalan ng tiwala sa mga lalaki ang nobya niya. Pero lihim siyang nagpapasalamat dahil kung hindi dahil kay John, hindi marahil siya magkakaroon ng pagkakataong mapalapit kay Chloe.

Ilang saglit lang naman siyang naghintay dahil lumabas din naman agad ang bisita ni Chloe. Bahagya lang niyang tinanguan ang lalaki at saka pumasok na siya sa hospital suit ng nobya kasunod ang mga magulang nito.

“How are you feeling, babe?” pangangamusta niya sa nobyang nakahiga sa hospital bed. A week ago ay hinimatay ito pagkatapos nitong mag-present ng case study nito kaya agad na isinugod ito ng mga kaibigan nito sa hospital. Sumailalim ito sa iba’t-ibang test at iisa lang ang resulta na ibinigay ng mga doktor na sumuri dito. Chloe has brain tumor – just like Jhoie. At first, ang akala niya ay binibiro lang siya ng tadhana. Paanong mangyayari iyong gayong sabi ni Chloe ay ipinasuri ito ng mga magulang nito noon at lumabas na negatibo ito sa kaparehong sakit ng kakambal nito.

But the doctors explained to them na may mga pagkakataon daw na nagiging negatibo talaga ang resulta ng isang pagsusuri sa una subalit sa pangalawang pagkakataon ay doon pa lang makikita ang mga traidor na tumor na unti-unting kumikitil sa buhay ng isang tao. At iyon mismo ang nangyari kay Chloe. Ngayon ay malala na ito at sabi pa ng mga doktor oras na lang ang hinihintay nila at maaaring mawala na ito. How he resented that idea! Isipin pa lang niya na mawawala sa kanya si Chloe ay nahihirapan na siya. He just wanted to stay with her, be happy with her and love her. Bakit kailangang humantong sa ganito ang pagmamahalan nila?

“I’m okay, babe. Ikaw, kamusta ka?” sagot nito sa nahihirapang tinig.

“I’m doing great!” sinubukan niyang langhapan ng saya ang boses niya kahit ang totoo ay parang hinihiwa ang puso niya. “Happy Valentine’s Day, babe. Look, I brought you flowers.”

“Wow. Tinupad mo pa rin pala talaga ‘yung usapan natin noon.”

“Siyempre naman. At guess what? Nagpaalam na ako sa doctors mo. Lalabas tayo saglit para manood ng sine at kumain sa paborito nating restaurant.”

“Are you sure? Pumayag ba naman ang mga doctors ko?”
Ang mga magulang na nito ang sumagot sa tanong ng dalaga. “Yes, they did, hija. You can go out for a while and enjoy the Valentine’s Day.”

“Thanks, mom and dad.”

Sakay ng wheelchair ay itinulak niya ang nobya papunta sa kinapaparadahan ng kotse niya. Nanood sila ng romantic movie at pagkatapos ay kumain sila sa paborito nilang restaurant. Inasmuch as they want to stay a little bit longer, nangako siya sa mga magulang ni Chloe na ibabalik niya agad ang anak ng mga ito sa hospital.

“Happy?” tanong niya sa nobya habang hawak-hawak niya ang isang kamay nito at nagmamaneho na siya pabalik sa hospital.

“Super. Thank you for making me happy… not just today… but ince the day I met you, Pao. I love you so much.”

“I love you more, Chloe. Mahal na mahal na mahal kita,” puno ng sinseridad na saad niya dito.

Halos puting-puti na ang mukha ni Chloe nang marating nila ang hospital. Agad namang dinaluhan ito ng mga doktor nito.

“Babe, inaantok na ako…” nahihirapang saad nito sa pagitan ng malalim na paghinga.
Buong pagmamahal na hinaplos niya ang ulo nito. “Ssshhh… sige, sleep well, my love. I love you.”

And so, she did sleep…

“CHLOE Salazar, Cum Laude!” sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga tao na naroroon sa main theatre ng University of Makati habang emosyunal na umaakyat ang mga magulang ng namayapa niyang nobya at siya ay lutang ang pakiramdam na sumusunod sa mga ito. Kung siya lang, ayaw na sana niyang dumalo at mas gusto niyang magmukmok sa isang lugar kung saan maaari siyang umiyak nang umiyak. Pero pinakiusapan siya ng mga magulang ni Chloe na samahan ang mga ito sa araw ng pagtatapos ni Chloe.

Tinanggap ng mag-asawang Salazar ang mga parangal na dapat ay si Chloe mismo ang tumatanggap. Pero wala na ito. Iniwan na sila nito. Minsan, naiisip niyang ang unfair nito. Iniwan sila nito nang ganoon na lang. Ni hindi man lang nito ipinaalam sa kanila nag a-graduate pala ito with flying colors. Ni hindi man lang siya nakapaghanda ng speech. Kaya naman ng hingan sila ng speech ay napakaikli lang ng nasabi niya. Ang mga magulang naman ni Chloe ay iyak lang nang iyak.

“Honestly, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I could only say that Chloe has been the sweetest, caring and loving girlfriend for the past seven months. Alam ko, mas kilala niyo si Chloe lalo na at apat na taon niyo siyang nakasama. But I can only say one thing and I’m sure everyone would agree to this; Chloe is a very kind person. We’ll ‘gonna miss her… I’m ‘gonna miss her. She would always be a part of me.”

Kusa nang nag-shutdown ang utak niya at huminto na ring mag-produce ng mga salita ang bibig niya. Ang mga mata naman niya ay hindi na napigilan ang pagse-secrete ng mga luha.
Kung kailan siya makakapag move-on sa pagkawala ni Chloe ay hindi niya alam.

CONTINUED ON PAGE 3

3 Comments on Fangirl Meets Superman – Alternate Ending 2/3

  1. felicity // March 1, 2019 at 10:42 pm //

    why it’s different from the book

  2. nakakaiyak

  3. hannah kris anne lazaro // May 28, 2015 at 6:30 pm //

    Huhuhu:-( …bayan nakakaiyak! Bk8 namaty cia???bak8???…huhu….:-(:-(:-(…

Leave a comment

Your email address will not be published.