Breaking

Fangirl Meets Superman – Alternate Ending 3/3

CHAPTER TEN

Ako si Kimpoy Feliciano. Madami akong bashers pero siyempre, mas marami ang taong nagmamahal at naniniwala sa akin. At hangga’t naririyan lang sila, patuloy pa rin akong gagawa ng mga bagay na ikaka-proud nila sa akin.

Hindi ako super sikat, pero may mga fans na din naman ako na later on ay nagiging friends ko na din. My fans are amazing! Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko rin siguro mararating kung saan man ako nakatayo ngayon.

Pero may isa akong higit na nami-miss. She used to be my fan… na naglaon ay na-promote bilang girlfriend ko – si Chloe. The sweet, outspoken and loving Chloe. Siguro, by now ay nasa heaven na siya at nakikipagkulitan sa mga angel ni Lord. Sa pitong buwan na naging kami, andami kong natutunan sa kanya. Nakakatawa nga kasi ako itong madalas na magbigay ng advice sa mga followers ko sa Tumblr, pero pagdating sa kanya, pakiramdam ko ay ang konti-konti pa rin ng nalalaman ko sa buhay.

Now, I’m starting to move on. Ang sabi kasi ni Chloe bago siya malagutan ng hininga mismong Valentine’s Day ay mag-move on daw ako. Hindi ko alam kung papaano kasi parang madali lang siyang bigkasin, pero ang hirap gawin. Pero alam ko, tama siya. My life has to go on.

Kaya nga ngayon, in between tapings and commitments, sinusubukan kong makipagkita sa mga fans/friends ko para na rin ma-divert ang attention ko at hindi na lang puro lungkot ang nararanasan ko. Hindi naman ako nagmamadaling makahanap ng bagong girlfriend lalo na at halos apat na buwan pa lang mula nang iwan ako ni Chloe.

Besides, busy ako lalo na at kakasimula pa lang ng bagong tv show kung saan isa ako sa mga cast. Anyway, kung may kakilala ka naman na sweet, caring at loving na kagaya ni Chloe ko, paki-PM na lang ako sa Facebook o ‘di kaya ay paki-tag na lang ako sa Twitter.
Oh, siya… ako’y magpapaalam na muna at pupunta pa ako sa 20th monthsary ng Paoloholics.

WAKAS

13 Comments on Fangirl Meets Superman – Alternate Ending 3/3

  1. Ara na gwapo // May 28, 2020 at 11:53 am //

    So ayun nga, ngayon ko lang nabasa yung alternate ending, after a few years nang mabasa ko’to. It’s a shame na hindi pumayag ang tadhanang magkatuluyan sila, sa dalawang endings. QwQ

  2. wattpad gurl // May 7, 2020 at 4:41 pm //

    sana nga po may book 2 🙁 im waiting for it

  3. felicity // March 1, 2019 at 10:54 pm //

    why it is so different to the book?

  4. Anonymous // January 8, 2019 at 1:16 pm //

    meron ng book2?

  5. ano ngang title nito?

  6. -thegirlwithapokerfacejghubmjkithg // November 26, 2017 at 8:23 pm //

    gusto ko magmukmok dahil dito pero alam ko namang masyadong akong walang emosyon para dun huhuhuhu. pero sana may side story ang magiging buhay ni kimpoy o ang makakatuluyan niya ^^

  7. -thegirlwithapokerface // November 26, 2017 at 8:22 pm //

    gusto ko magmukmok dahil dito pero alam ko namang masyadong akong walang emosyon para dun huhuhuhu. pero sana may side story ang magiging buhay ni kimpoy o ang makakatuluyan niya ^^

  8. Jesylgrace buenavista // April 23, 2017 at 12:39 pm //

    Nakkaiyak nmn..akla q ang ending cla ang magktlyn

  9. msdrightside // March 5, 2017 at 3:42 pm //

    Iyakan na naman? Sana pala d ko na lang binasa! Nasaktan na naman tuloy ako! Pero Sana nga may Book 2!

  10. Waaah, parang sinasabi na walang forever. Book 2 sana meron. Nakakaiyak. 🙁

  11. mitch jeramy p. ternate // November 22, 2016 at 9:10 am //

    plsss guto ko nang book2 sana meron

  12. pag meron book2 ako unang bibili sana magawa na

  13. sana meron na book 2 can’t wait to read tha book 2

Leave a comment

Your email address will not be published.